Mahiwagang black box P1,999 na lang
MANILA, Philippines - Mas sulit at abot-kaya na ang malinaw at mas masayang panonood ng telebisyon dahil bumaba na sa presyong P1,999 ang bawat ‘mahiwagang black box,’ handog ng ABS-CBN TVplus simula ngayong Oktubre. Ang todo sayang presyong ito ay mula sa pakikipagtulungan ng Surf at Knorr sa ABS-CBN TVplus.
Huwag nang magpahuli at bumili na ng specially marked ABS-CBN TVplus boxes na may sticker na P1,999 sa kahit anong outlet na nagbebenta ng mahiwagang black box. Available ito sa SM Appliance Center, Automatic Center, Abensons, True Value, Handyman, Robinsons Appliance Center, SM Supermarket, SM Department Store, Puregold Supermarket, Landmark Supermarket, Octagon, Villman, Silicon Valley, at iba pang electronic, appliance, at hardware stores sa bansa.
Abangan din ang mga authorized sales agent na mag-iikot sa mga kabahayan para ma-enjoy ang mga programa at pelikulang handog ng ABS-CBN TVplus sa karagdagang ekslusibong channels nito.
Kasabay nito ay ang paglulunsad ng mga bagong offering na dapat abangan sa channels na CineMo at Yey! ngayong buwan ng Oktubre.
Simula ngayong Linggo (Oct 4), mapapanood na kada weekend sa CineMo nang walang commercial break ang bagong lunsad na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ipapalabas ito kada Linggo sa loob ng dalawa’t kalahating oras mula 2:00 PM hanggang 4:30PM.
Meron din re-run ng comedy search ng It’s Showtime sa Funny One More Taym, 1PM, at ng Mga Kwento ni Marc Logan, 4:30PM.
Handog naman ng ABS-CBN TVplus sa FPJ: Hari ng Aksyon movie block nito tuwing Sabado, 7PM ang hindi makakalimutang obra ng nag-iisang Da King na si Fernando Poe Jr. na Kalibre .45 (Oct 3), Asedillo (Oct 10), Karnabal (Oct 17), Roman Rapido (Oct 24), at Alupihang Dagat (Oct 31).
Tuloy-tuloy din ngayong Oktubre ang maaksyong Sabado sa Binoe’s Best, 5PM sa Sa Diyos Lang Ako Susuko (Oct 3), Oops Teka Lang Diskarte Ko ‘To (Oct 10), Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib (Oct 17), Grease Gun Gang (Oct 24), at Bad Boy 1 (Oct 31).
Hindi naman magpapahuli ang Dolphy: Hari ng Comedy tuwing Linggo, 5PM sa mga handog nitong pelikula na Dancing Master 2 (Oct 4), Espadang Patpat (Oct 11), Kalabog En Bosyo (Oct 18), at Dobol Trobol (Oct 25).
Bukod kina daddy at kuya, siguradong tututukan din ng mga bata ang mga bagong handog ng Yey! na katutuwaan at kapupulutan nila ng aral.
Mapapanood na ang Teenage Mutant Ninja Turtles simula Sabado (Oct 10), 9:30AM na may replays tuwing 1:30PM. Mayroon naman itong regular weekend marathon tuwing Sabado mula 8:30 hanggang 10:30AM, at replays tuwing 12:30PM.
Sundan ang mga adventure sa Superbook Re-imagined tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes simula Oktubre 12, 6:00 AM na may replays tuwing 10:30AM. Samahan naman si Remi sa mga pagsubok na kanyang pagdadaanan sa paghahanap sa kanyang tunay na pamilya sa parehong mga araw tuwing 6:30AM, na may replays tuwing 11AM.
Muli ring mapapanood kada weekend ang kusinaserye kung saan bida ang mga bata sa Junior MasterChef kasama si Judy Ann Santos-Agoncillo simula ngayong Sabado (Oct 3), 3:00 PM.
Bukod sa CineMo at Yey, mapapanood din sa pamamagitan ng ABS-CBN TVplus ang ABS-CBN, ABS-CBN Sports + Action, DZMM TeleRadyo, at Knowledge Channel, ang nag-iisang curriculum-based channel sa TV.
Para bumili ng ABS-CBN TVplus, maaari ring bisitahin ang www.abs-cbnstore.com o mag-text sa 23661. Ihahatid ang box sa mismong bahay na walang bayad sa kahit saang area na may digital coverage. Available ang digital TV signal ng ABS-CBN TVplus sa ngayon sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, at Metro Cebu.
Para sa mas karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na website ng ABS-CBN TVplus sa www.abs-cbntvplus.com. (KC)
- Latest