^

PSN Showbiz

Split na nga uli kay Dennis... Jennylyn gustong paligaw kay Sam

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Bimby atungal nang atungal nang ikasal ang yaya! Showtime lalabas na rin sa kalye!

PIK: Kapansin-pansin ang pag-iwas ni Jennylyn Mercado sa mga tanong tungkol sa kanila ni Dennis Trillo.

Sa presscon ng pelikulang Prenup nila ni Sam Milby na magsu-showing na sa October 14, ilang beses niyang sinasabi sa mga interview na single raw siya at wala raw talagang namamagitan sa kanila ni Dennis.

Dati ay may paduda pa ang mga sagot nito, at sinasabi lang niyang ayaw lang daw nilang isapubliko pa kung ano’ng meron sa kanila ng leading man niya sa My Faithful Husband. Pero ngayon ay ayaw na niyang sagutin at wala na siyang komento tungkol sa Kapuso Drama King.

Sabi nga niya, single naman siya at okay lang kung ligawan siya ni Sam.

Sabi naman ng Kapamilya actor, ayaw daw niyang gamitin ang promo ng pelikula para ligawan kung sakali si Jennylyn. Pagkatapos daw ng pelikula saka na lang daw malalaman ang kanyang move.

PAK: Touching ‘yung post ni Kris Aquino ng wedding ng Yaya Gerbel ni Bimby Yap na ikinasal kamakalawa ng gabi.

Hindi nga nakadalo si Kris sa premiere night ng pelikula niyang Etiquette for Mistresses dahil kailangan nilang daluhan ang kasal ni Yaya Gerbel.

Post din ni Kris na walang ginawa si Bimby kundi umiyak nang umiyak dahil iiwan na sila ng yayang nagpalaki sa kanya.

Pagkatapos nito ay nag-post si Kris kung paano niya napapanatag si Bimby at tinanggap ang pagpapakasal ng paborito niyang yaya.

Aniya; “He’s smiling already.We just finished a heart to heart talk about commitment, having a relationship, and marriage. I felt the need to reassure him and also to let him know I will listen and do my best to comfort him while trying to guide him properly.”

Sabi raw ni Bimby, kung magkaka-boyfriend uli si Kris, malulungkot siya ng tatlong buwan. Susubukan daw niya ang lalaki ng isang taon para matiyak kung ito na ba ang tamang lalaki sa kanyang ina.

Pero kung mag-break daw sila at may gawing ‘di maganda kay Kris, magagalit siya sa lalaki ng isang taon.

Kung magpapakasal daw ito, bibigyan niya ng walong taon na maganda ang kanilang pagsasama para mapanatag na raw siya at masaya.

BOOM: Hindi na raw alam kung ano pa ang gagawin ng mga taga-It’s Showtime para umangat man lang sila at makalaban nang tapatan sa lalong lumalakas na Eat Bulaga.

Ang dinig namin, may mga nagsa-suggest na pagpahingahin na si Pastillas Girl dahil hindi naman nakakatulong para mapaangat ang rating ng kanilang show.

Ang dinig namin, lalabas na raw sa mga kalye ang mga host at lalapit na sa mga tao para makakuha ng magandang kuwento at baka makatisod ng kagaya ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Pati nga raw ang ASAP na hindi pa rin natatalo ang Sunday PinaSaya at Wowowin ay biglang nababago ang line-up dahil hindi na rin nila alam kung ano pa ang gagawin.

Totoo bang sa Linggo ay sa labas na rin magsu-show ang ASAP? Parang Happy Truck ng Bayan ng TV5 na rin ba ang dating nito?

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BIMBY

BIMBY YAP

DAW

KUNG

MGA

SABI

STRONG

YAYA GERBEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with