^

PSN Showbiz

Hindi na raw tumatanggap ng manliligaw, Ejay basted kay Ellen!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ipinaliwanag naman ni Ellen Adarna na hindi niya iniwan si Ejay Falcon nung gabi ng Star Magic Ball para sumama kay Paulo Avelino.

Wala nga namang relasyon sina Ellen at Ejay at kahit magkasama sila ay hindi maituturing na date ang kanilang pagsasama. May isang masugid na manliligaw ang aktres kaya ayaw na niyang tumanggap pa ng ibang suitor.

Si Ejay naman ay hindi niya manliligaw. Ang pagsasama nila ay pagsasama ng dalawang malapit na magkaibigan. Wala silang ibang relasyon kaya wala silang ob­ ligasyon na magbantayan at maghanapan ang dalawa.

MMFF movie ni Kris nakasalalay sa box office result ng Etiquette…

Ang resulta ng Etiquette For Mistresses ang magsisilbing barometro ng gagawing movie ni Kris Aquino para sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2015. May entry siya na pinapalitan na niya ang titulo from Mr. & Mrs. Split to Pamilya, Love, Lub, Lab kung saan ay kapartner pa rin niya si Mayor Herbert Bautista, pero kasama na sa cast si Derek Ramsay na ewan kung ano ang magiging role at ang anak niyang si Bimby.

Tama lang na papalitan niya ang titulo ng movie na nega ang dating sa kanya at dagdagan ang cast nito para naman hindi madehado sa pito nilang kalabang pelikula. Meron siyang box-office record na dapat panatilihin at knowing na proyekto ito ni Antoinette Jadaone ay isang malaking tulong para malamang maganda ang proyekto nila.

Benjamin nanliligaw kay Kylie, Glaiza hindi talaga feel

May namumuo nga bang romansa sa pagitan nina Benjamin Alves at Glaiza de Castro. Marami ang umaasa na sana nga ay meron. Matagal nang artista ang dalawa, pero never silang na-link sa ibang artista.

Malaki ang partisipasyon ni Benjamin sa October 3 concert ni Glaiza. Mula sa pagbibigay niya ng titulo sa hit album ni Glaiza na Synthesis hanggang sa pangakong darating siya para manood ng concert sa Music Museum. Ang kailangan na lamang ayusin ni Benjamin ay ang balitang panliligaw niya kay Kylie Padilla.

So, kaibigan lang si Glaiza? Walang masama rito, pero kailangang tiyakin niya kung sino talaga ang gusto niya.

ANG

ANTOINETTE JADAONE

BENJAMIN ALVES

DEREK RAMSAY

EJAY FALCON

ELLEN ADARNA

ETIQUETTE FOR MISTRESSES

GLAIZA

KRIS AQUINO

NBSP

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with