Hindi pa rin pala nagbabago, female personality may mahiwagang libro ‘pag tinatamad magtrabaho
Nu’n pa man ay palagi nang problema ng produksiyon ang isang female personality na may sariling mundo. Kung ano ang kanyang maisipan ay gagawin niya, walang nakapipigil sa kanya, sinusunod ng aktres ang kanyang mga kapritso. ?Meron siyang libro, pero hindi nobelang nakakikilig ang kanyang binabasa, isang medical book ‘yun kung saan malinaw na nakasulat ang mga sintomas ng iba’t ibang sakit.
?Palaging binabasa ‘yun ng female personality, bitbit niya palagi ang medical book kahit saan, ‘yun kasi ang nagiging armas niya sa kanyang paglulukring-lukringan. ?Magkokontra-abiso siya sa produksiyon kung kailan nakahanda na ang lahat para sa taping. Nandu’n na ang iba pang mga artista, nakapag-ayos na ang catering, nabili na ang lahat ng props na gagamitin.
?Lilitanyahan niya ang executive producer kung bakit hindi siya makapagtatrabaho. Sa tulong ng kanyang medical book ay ililitanya ng aktres sa EP ang kanyang kundisyon, puro medical terms pa ang kanyang ginagamit, kaya parang totoong-totoo ang kanyang mga sinasabi.
?Sa pinakahuling pelikulang ginawa niya ay nagkaroon ng instant replay ang gawain ng aktres. Bigla siyang nagkasakit, kaya ang sabi ng isa niyang co-star sa proyekto, “Bakit ganu’n, ang ayus-ayos niya naman kahapon nu’ng maghiwa-hiwalay kami, bakit maysakit na siya ngayon?
?“Ganu’n pa rin siya, wala pa rin siyang ipinagbabago. Matagal siyang nawala sa action, pero sa pagbabalik niya, talagang kipkip pa rin niya ang mahiwagang medical book niya!” natatawa na lang na reaksiyon ng aming source.
?Hiling ng mga nakakakilala sa female personality ay huwag sana siyang subukin ng panahon, huwag sanang mangyari sa tunay na buhay ang kanyang mga iniimbentong dahilan kapag tinatamad siyang magtrabaho, huwag sana siyang gabaan.
?Ubos!
Sobrang nahuhumaling na rin dating Senadora Loi picture ni Alden ang screensaver at wallpaper sa CP
Sa kanyang lunch break ay nanonood ng Eat Bulaga si Pangulo-Mayor Joseph Estrada. Pagkatapos nitong pumirma nang sangdamakmak na papeles para sa mga proyekto ng lungsod ng Maynila ay ang pagtutok sa kalyeserye ang kanyang pambanlaw sa stress at pagod.
?Pero hindi lang si Mayor Erap ang naaaliw sa AlDub, ang kanyang misis na dating senadora ay hindi magpapatalo, kapag sinilip ang cellphone ni Senadora Loi ay picture ni Alden Richards ang kanyang screensaver at wallpaper. ?Ganu’n na ganu’n nga. Walang pinipiling edad at estado sa buhay ang kilig na pinalilipad sa hangin nina Alden at Maine Mendoza (Yaya Dub).
?Kuwento ni Col. Jude Estrada, “Nagulat kami nu’ng makita namin ang cellphone ng mommy ko, picture ni Alden ang wallpaper niya! Nu’ng tanungin siya ng mga pamangkin ko, ang sagot lang niya, ‘Bakit, kayo lang ba?’ Nakakaaliw ang mommy ko!” tawa nang tawang komento ni Col. Jude. ?
At ang mga mag-aamiga sa Forbes Park, hindi muna sila maglalaro ng mahjong hanggang hindi pa tapos ang kalyeserye, talagang pati ang mga bukod-na-pinagpala ay nahagip na rin ng epidemya ng AlDub. ?At nagsalita na ang ratings sa pagtatapat ng Eat Bulaga at It’s Showtime nu’ng nakaraang Sabado. Kumbaga sa eleksiyon ay landslide ang panalo ng noontime show na bahagi na ng pop culture ng mga Pinoy sa rating na 45.7% kumpara sa 11.9% ng kabila.
?Hindi natin puwedeng kontrahin ang panahon at ang kinakasihan ng pagkakataon. AlDub ang kinahuhumalingan ngayon ng sambayanang Pinoy. Walang iba, sila lang ang gusto ng publiko, kaya huwag na kasing makipagbanggaan dahil siguradong sa kangkungan lang pupulutin ang kahit sinong kumalaban sa napapanahong loveteam.
- Latest