^

PSN Showbiz

Napaglipasan ng panahong aktres at dancer, payat na payat na dahil sa bisyo

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Parang ayaw naming paniwalaan ang isang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang female personality na nagkaroon din ng pagkakataong makilala dahil sa kanyang talento.

Nu’ng kanyang kapanahunan kasi ay maayos ang kanyang buhay, kahit kaya na niyang magsarili ay hindi niya iniwan ang kanyang pamilya, mapagmahal sa kanyang mga magulang at kapatid ang babaeng personalidad.

Marami siyang nagawang pelikula, palagi siyang pinapalakpakan sa talentong ipinakikita niya sa telebisyon, kahit paano’y guminhawa ang buhay ng female personality.

Pero weder-weder nga lang ang popularidad, darating ang panahon ng pagkasawa ng publiko sa mga artista, isa ang female personality na ito sa napag-iwanan ng panahon.

Dahil sa depresyon ay madaling naengganyo ang babaeng personalidad sa kaway ng bisyo. Madaya ang depresyon, mapanglinlang ang kalungkutan, para makalimot ay nanghihiram ng lakas ng loob ang may katawan sa bisyo.

Nakarating sa amin ang kuwento na madalas makita ngayon ang female personality sa isang mataong lugar sa isang siyudad. May mga katropa siyang nagbibisyo, payat na payat na raw ang babaeng personalidad, napakalayo na sa kanyang itsura nu’ng kasagsagan ng kanyang career.

“Dati, e, nagpunta pa siya sa Japan, du’n siya nag-perform. Pauwi-uwi na lang siya dito, maganda pa rin ang buhay niya. Pero lately nga, e, madalas na siyang makita sa isang lugar na pinamumugaran ng mga nagbibisyo.

“Kilalang-kilala na siya du’n, parang tagaroon na nga siya, e. Ang dalas-dalas kasi niyang nandu’n. sayang na sayang ang babaeng ‘yun, napakagaling pa naman niyang sumayaw,” pagbibigay pa ng clue ng aming source para sa pagkakakilanlan ng female personality.

Ubos!

Sheryl hindi raw marunong sa math, hindi alam kuwentahin ang mga utang na loob sa tiyahing si Susan

Kahit saan kami magpunta ngayon ay si Sheryl Cruz ang inuusisa sa amin. Ramdam namin ang pagiging negatibo ng kanyang imahe ngayon.

Hindi lang kawalan ng utang na loob ang isinusumbat sa kanya ng ating mga kababayan, sa kanilang panlasa ay tinraydor ng aktres ang kanyang mga mahal sa buhay, siguradong ramdam na rin ni Sheryl ang inis sa kanya ng ating mga kababayan ngayon.

Disente ang takbo ng buhay ni Manang Inday (Ms. Susan Roces), matahimik, minsan lang umangat sa kanyang upuan ang respetadong aktres dahil sa dinanas na pandaraya sa kanyang kabiyak ilang eleksiyon na ang nakararaan.

Mula nu’n ay wala na tayong narinig na anuman mula sa Reyna Ng Pelikulang Pilipino. Heto ngayon si Sheryl Cruz na nag-iingay, para siyang political analyst ngayon sa pagsasabing hindi siya pabor na tumakbo sa panguluhan si Senadora Grace Poe dahil kulang na kulang pa ang kapasidad nito, nagsasalita ang aktres nang walang direksiyon.

Maraming nagalit sa kanya, maraming kumuwestiyon sa kanyang opinyon, bakit sa dinami-dami ng mga artista ay siya pang kadugo mismo ni Ms. Susan Roces ang magpapakita ng kagaspangan sa pagtakbo sa panguluhan ng kanyang Manang Grace Poe?

Dahil nakapagtataka ang mga pinagsasasabi at ginagawa ni Sheryl ay maraming tanong ang ibinabato sa kanya ngayon. Mga tanong na kailangan niyang sagutin nang punto por punto.

May malalaking pulitiko ba sa kanyang likuran na nagbubulong sa kanya para wasakin si Senadora Grace Poe? May mga nagdidikta ba sa kanyang mga sinasabi? At kung meron nga ay magkano, este, ano naman kaya ang kanilang usapan?

Sabi ng isang source na may matinding respeto sa kanyang tiyahin na si Manang Inday, “Hindi marunong magbilang si Sheryl, wala siyang alam sa mathematics. Sana man lang, bago siya nagsalita ng ganyan, e, natuto muna siyang magbilang ng utang na loob na dapat niyang tanawin kay Manang Inday!

“Wala siyang utang na loob, maigsi ang kanyang memorya, ibang klase siya!” kumakagat na komento ng aming source.

vuukle comment

ACIRC

ANG

KANYANG

MANANG INDAY

MGA

MS. SUSAN ROCES

SENADORA GRACE POE

SHERYL

SHERYL CRUZ

SIYA

SIYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with