^

PSN Showbiz

Sheryl may masamang ugali kaya hindi natatagalan ng manager

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Walang nang-harass o nanakot sa dating manager ni Sheryl Cruz para bitawan ito. May nagsabi sa akin na matagal nang problema si Sheryl ng kanyang manager kaya binitawan nito ang pamamahala sa career ng aktres.

Manager din ako at kung talagang maganda ang ugali ng alaga ko, hinding-hindi ko siya tatalikuran at walang puwedeng manakot sa akin. Ipaglalaban ko siya, kahit sa dulo ng walang hanggan.

Sa kaso ni Sheryl, walang nanakot sa kanyang manager. Hindi totoo ang claim niya na tinakot ng mga talent manager na sina June Rufino at Dolor Guevarra ang kanyang manager kaya nag-babu ito.

Si Dolor ang dating manager ni Sheryl. Si Dolor ang manager ni Susan Roces. Matagal nang binitiwan ni Dolor ang pamamahala sa career ni Sheryl pero siya pa rin ang manager ni Manang Inday. Ipinauubaya ko sa mga tao ang pag-iisip kung bakit walang talent manager na tumatagal kay Sheryl.

Kaya nag-iingay Sheryl may balak daw magsenador

Mas marami ang naniniwala na may tao sa likod ng pagsasalita ni Sheryl Cruz na hilaw pa ang kanyang pinsan na si Senator Grace Poe para maging pangulo ng Pilipinas.

Kung may mga na-shock sa pahayag ni Sheryl, mas shocking ang tsismis na nakarating sa akin na may plano siya na kumandidatong senador sa 2016.

Wish ko lang, mananatiling tsismis ang senatorial bid ni Sheryl dahil kung magkakatotoo ito, ‘yon ang tunay na hilaw na kandidatura.

Inisnab sa Icons, Mama Vi kinoronahan ng mga kapatid na Muslim

Napa-smile ako nang malaman ko ang balita na tumanggap ng natatanging parangal si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Kinoronahan si Mama Vi bilang Queen of the Province, Holder of Authority (Baealabi A Gausa Sa Batangas)  ng Muslim Community noong Sabado, Setyembre 26, sa  Lima Park Hotel sa Malvar/Lipa City Batangas.

Ang Royal Highness Sultan Paramount Faizal Coyogan Benaning Bansao ng Royal Houses ng Sultanate of Batangas ang nagputong ng korona at nag-bigay ng title kay Mama Vi sa isang Royal Enthronment Ceremony.

Halos tatlong libong Muslim brothers at leaders mula sa Batangas, Brunei at Malaysia ang saksi sa pagpuputong ng korona sa Star for All Seasons.

“Malaking karangalan para sa akin dahil kasama ko ang mga kapatid na Muslim para matupad ang maayos na programa sa Batangas mula pa ng Mayor ako. Salamat kay Sultan Paramount Faizal Coyogan Cocoy Bansao. Mabuhay po kayo! Muli, sa pangalan ng mga Batangueno at sa Mayor ng Lipa. Maraming salamat po sa karangalan,” ang sey ni Mama Vi.

Bakit ako napangiti nang mabalitaan ko ang bagong karangalan na natanggap ni Mama Vi mula sa ating mga kapatid na Muslim?

Napa-smile ako dahil kahit inisnab si Mama Vi ng isang award-giving body, mas mataas at natatanging parangal ang ipinagkaloob sa kanya.

Nalungkot ang ibang fans ni Mama Vi nang hindi siya isinali sa mga aktres na pinarangalan bilang Icons ek-ek pero napalitan ng sobrang kaligayahan ang kanilang disappointment dahil sa Queen of the Province, Holder of Authority (Baealabi A Gausa Sa Batangas) na ibinigay ng Muslim community sa Star for All Seasons.

ALL SEASONS

ANG

ANG ROYAL HIGHNESS SULTAN PARAMOUNT FAIZAL COYOGAN BENANING BANSAO

BAEALABI A GAUSA SA BATANGAS

HOLDER OF AUTHORITY

MAMA VI

MANAGER

MGA

QUEEN OF THE PROVINCE

SHERYL

SI DOLOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with