Luis ayaw magpakanega sa salpukan ng Showtime at Eat Bulaga
PIK: Pawang mga close friends at family ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang inimbita sa baby shower na ginanap sa Marriot Hotel nung kamakalawa ng hapon.
Nakita lang namin sa post ng kaibigang Nelson Canlas ng 24 Oras na doon na rin in-announce ni Marian na ang ipapangalan nila sa kanilang first baby si Maria Letizia.
Sabi raw ng GMA Primetime Queen, Letizia ang name ng lola ni Dingdong at ang tiyahin niya sa father side ay ganundin ang name. Kaya tamang-tama lang daw.
Humihiling lang si Marian ng dagdag pang dasal na mailuwal niya ang kanyang anak nang matiwasay.
PAK: Ewan ko lang kung knows ng dating sexy actress na pinag-uusapan siya ng mga dating kaibigan tungkol sa pang-aahas niya sa isang lalaking may asawa.
Sabi ng aming source, hindi naman daw nagkaroon ng seryosong relasyon itong si dating sexy actress at ang asawa ng isang kaibigan dahil wala na silang relasyon ngayon. Hindi naman hayagan ang kanilang relasyon pero naging sila na sinimulan sa tikiman.
Pero sinira ni aktres ang magandang relasyon ng mag-asawa dahil nakipaghiwalay na ang asawa nitong lalaki nang nalaman niya ang tungkol sa pagpasok ng dating sexy actress sa kanilang buhay.
Mukhang masaya na ngayon si dating sexy actress sa buhay niya, pero iba na ang tingin sa kanya ng ilang dating kaibigan na tatahi-tahimik lang pero matinik daw at wala siyang pakialam kung nasira niya ang buhay may-asawa ng lalaking natipuhan niya.
BOOM: Mabilis na sinagot ni Tito Joey de Leon sa kanyang Twitter account ang isang post ni Lea Salonga sa kanyang Twitter account na “Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo?”
Sabi naman ni Tito Joey; “Bigyan ako ng Dalawanpu’t Limang Milyon, Anim na Raang Libong dahilan bakit may ‘kababawan’ ang Kalyeserye. Baka KABEBEWAN! #ALDUBandPROUD”
Pero may positibong pananaw naman si Luis Manzano sa mainit na paksang ito.
Aniya; “We should just enjoy what It’s Showtime and Eat Bulaga have to offer the viewers without resorting to bashing and negativity!:)”
Pati ang CBCP ay naglabas din ng kanilang reaksyon sa magandang values at ugaling ipinakita ni Alden Richards sa kanyang panliligaw kay Yaya Dub.
Ayon sa statement na inilabas ng CBCP; “Supporting the noble cause of spreading virtue, values and morality that our nation deserves. #ALDubEBforLOVE.”
Kaya mas mabuting spread good vibes na lang sa pagsubaybay ng AlDub sa kalyeserye ng Eat Bulaga at huwag nang painitin ang pakikipagtunggali ng It’s Showtime sa rating at tweets.
- Latest