^

PSN Showbiz

Presidentiables at senatoriables nag-uunahan sa JaDine!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Nag-uunahan pala ngayon ang mga pulitiko kina James Reid and Nadine Lustre para ikampanya sila for 2016 elections.

Ayon sa source, ang dami raw lumapalit sa Viva para kunin ang pinakasikat na Kapamilya loveteam.

Pero hindi pa raw nagde-decide ang big boss na si Mr. Vic del Rosario kung sino sa mga pulitiko, particular na ang presidentiable, ang tatanggapin ng magka-loveteam na sobrang patok sa kanilang seryeng On The Wings of Love.

Bukod sa presidentiables, marami rin daw senatoriables ang lumalapit sa JaDine. Wow. Talagang naunahan na nila ang ibang Kapamilya loveteam particular na ang KathNiel. Pati sa kampanya sila na ang tina-target.

Twitter users sa buong mundo tiyak na nagtataka sa pinagkakaabalahan ng mga Pinoy

Takang-takang siguro ang Twitter users sa buong mundo sa pinagkakaabalahan ng mga Pinoy sa kasalukuyan. Imagine as of yesterday, umabot na sa 25 million ang number of tweet na nakuha ng opisyal na pagkikita nina Alden Richards and Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Millions din ang nakuha ng Showtime Kapamilya Day pero base sa karanasan ko, mahina ang signal sa Araneta Coliseum kaya si­guro hindi sila nangalahati sa tweet ng AlDub.

Pero ang pinaka-lucky sa lahat ay ang Pastillas Girl na nagsimula sa wala pero nakatapak na sa Araneta Coliseum at kinantahan pa ni Coco Martin. Akalain mo ‘yun, samantalang naghahanap lang naman siya ng boyfriend. 

Kainan ni Jericho parami nang parami

Baka naman tumaba na si Jericho Rosales ngayong endorser siya ng pinag-uusapang restaurant na Kuya J.

Yup, sa kabila nang kaabalahan ni Echo sa TV and movie project particular na sa MMFF entry niyang Walang Forever (replacement ni JM de Guzman with Jennylyn Mercado), may oras siya to endorse products na swak sa kanyang reputasyon.

Dating kilala bilang Kan-anan ni Kuya J, nagsimula ang Kuya J na isang eatery along the busy streets of Cebu. Pero pinag-usapan ang mga masasarap na pagkain hanggang kumalat na at marami na ang naghahanap hindi lang sa bandang South hanggang umabot na sa Metro Manila.

Hanggang palitan nila ang pangalan ng simpleng Kuya J, at nakarating na nga ng Manila.

Kabilang sa mga nakakatakam na putahe na binabalikan sa Kuya J ang tempting crispy pata, lumpia presko, kare-kare, grilled scallops, crispy catfish, mango pandan, among others.

According to Winglip K. Chang, president of IKitchen which owns Kuya J, the restaurant now has a total of 18 branches within some metro SM malls (SM Megamall, Fairview, Marikina, Sta. Mesa, Paranaque, San Mateo, etc), at target nilang magkaroon ng 50 branches throughout the country by the end of the year.

Anyway, coming from his recently concluded teleserye, Bridges of Love where he played the role of a big brother, Echo continues to be a ‘Kuya’ being the endorser of Kuya J.

Pero itinanggi niya that the letter J in the restaurant’s name came from his. “Nagkataon lang po,” he clarifies. “But it’s a great coincidence as I would love to give my name to it. It’s an honor. At talaga namang hindi nakakahiya dahil Kuya J is an exceptional Filipino restaurant.” Just like with his movies and TV projects, Jericho wants to be part of a new blockbuster.

ACIRC

ALDEN RICHARDS AND YAYA DUB

ANG

ARANETA COLISEUM

BRIDGES OF LOVE

COCO MARTIN

EAT BULAGA

JAMES REID AND NADINE LUSTRE

KUYA

KUYA J

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with