Susan at Sen. Grace tama lang ang ginagawang hindi pagpatol sa pag-epal ni Sheryl
Tama lamang na huwag nang pansinin pa ng mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe ang ginawang pagsasalita ni Sheryl Cruz laban sa pagtakbo nito sa pagkapangulo ng bansa.
Magkakamag-anak sila at mag-iiwan ng hindi magandang lasa sa bibig kapag nagpatuloy ang kailang away na hindi lamang maapektuhan ang senadora kundi maging ang aktres.
Hindi magandang pangyayari yung naganap sa presscon ng Felix Manalo na kung saan ay hindi na isinama si Sheryl at hindi na pinapasok sa venue dahil baka raw mahaluan lamang ng pulitika ang okasyon. Nagsalita na rin ang mga taong nasa likod ng sinasabi niyang naapektuhan na negosyo niya dahil sa ginawa niyang pagbibigay ng opinyon laban sa senadora. Itinanggi nila ang mga sinasabi ni Sheryl.
Hindi matatapos ang palitan ng mga hindi magagandang salita kung papatulan pa ito ng mag-inang Susan at Grace kaya tama na ‘yung naunang engkwentro. Mas marami silang bagay na dapat unahin muna.
Kris hindi na naman napigil ang bibig
Ano mang pagpigil ang gawin ni Kris Aquino ay talagang sa bibig niya lumalabas yung mga sikretong pinakatatago-tago niya. Bukod sa isang bagong programa na sinasabing sisimulan niya gayung ang rason kaya binitawan niya ang Aquino & Abunda Tonight ay para makapagpahinga siya pero, ‘yun pala ay may bago siyang show?
Hinihintay din ng marami ang sinasabing “pinagdadaanan” niya ngayon na hinala ng marami ay may kinalaman sa kanyang puso. Meron na nga bang kasunod ang episode nila ni Mayor Bistek?
- Latest