^

PSN Showbiz

Birthday ni Bong sa Crame dinagsa ng mga kaibigan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ang birthday ni Senator Bong Revilla, Jr. at siyempre, dinalaw ko siya para i-greet ng happy birthday, kahit one year and three months na silang naka-detain ni Senator Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Touched na touched ako sa gesture ng mga alaga ko dahil dinalaw rin nila kahapon si Bong. Magkasunod na dumating ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado na sinundan ni Congressman Alfred Vargas na bumiyahe pa mula sa Bicol at si Pauleen Luna na tinapos muna ang Eat Bulaga bago dumiretso sa Camp Crame.

Nagustuhan ko ang bitbit na ensaymada ni Tonton Gutierrez na binili pa niya sa isang bakery sa Pag-asa, Quezon City. Gusto sana ni Vic Sotto na samahan si Pauleen sa pagbisita kay Bong pero hindi siya available. Malapit sa isa’t-isa sina Bossing at Bong dahil nagkasama sila noon sa pelikula.

Nauna nang bumati kay Bong ang ibang mga alaga ko, sina Paolo Contis, Benjie Paras, at Lorna Tolentino. Hindi na kami nagpang-abot dahil ahead ng isang araw ang pagdalaw nila kay Bong.

Date nina Alden at Maine ‘di tuloy?

Nanghinayang ako dahil hindi matutuloy ang date nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Sampaguita Gardens ngayong tanghali dahil mahina raw ang signal kaya naghanap ng ibang location na malapit sa Eat Bulaga Broadway studio ang production staff.

Chance ko na sana na makita nang personal si Yaya Dub dahil may appointment ako ngayon sa isang lugar na malapit na malapit sa Sampaguita Gardens. Nahawa na yata ako ng AlDub craze dahil ito ang pinag-uusapan sa lahat ng mga showbiz party at presscons na pinupuntahan ko. Pati sa pagdalaw ko kahapon kay Bong, ang AlDub ang pinagkukuwentuhan ng ibang mga bisita. Topic nila ang pag-akyat ngayon ng ligaw ni Alden kay Yaya Dub sa mansion na pag-aari kuno ni Lola Nidora.

Bumisita rin kahapon kay Bong si Mother Lily Monteverde na updated sa mga nangyayari sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

May event na magaganap ngayon sa isa sa mga bahay ni Mother Lily na nag-promise na hindi mami-miss ng mga bisita ang Eat Bulaga dahil pabubuksan niya ang lahat ng mga TV set para mapanood ng kanyang mga guest ang kalyeserye ng Eat Bulaga.

Bukod sa AlDub, napag-usapan namin ni Mother ang nalalapit na pagpapakasal ng kanyang apo na si Keith. Invited ako sa wedding ni Keith at nag-decide ako na pumunta itsurang malayo ang venue. Si Keith ang isa sa mga apo ni Mother na favorite ko. Hindi ko makakalimutan nang mag-stay ako noon sa bahay nila ng kanyang madir na si Roselle sa San Francisco, California.

Four years old pa lamang noon si Keith na hinintay ang paggising ko dahil bilin daw ng nanay niya na bantayan ako at yayain na mag-almusal kapag nagising ako. Ganoon nga ang nangyari nang magmulat ako ng mata, si Keith ang bumulaga sa akin at sinabi ang mahigpit na bilin ng kanyang ina na sinunod niya.

Ngayon, hindi ako makapaniwala na lawyer na si Keith at mag-aasawa na siya. How time flies talaga!

AKO

ANG

BONG

CAMP CRAME

DAHIL

EAT BULAGA

KEITH

MGA

SAMPAGUITA GARDENS

TONTON GUTIERREZ

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with