^

PSN Showbiz

Pagbirit patungong tagumpay ng The Voice Kids champ tampok sa MMK

Pilipino Star Ngayon

Tunghayan ang pinagmulan at pinagdaanan ng banana cue vendor na tinanghal na The Voice Kids season two grand champion na si Elha Nympha ngayong Sabado (Sep 26) sa MMK.

Bata pa lang ay mahilig ng kumanta si Elha (Brenna Garcia). Sa oras na matuklasan ito ng inang si Lucy (Nikki Valdez), lagi na nitong pinapahawak ng mi­kro­pono sa karaoke machine ang bata at pinayagan ding mag-vocal training sa kanyang  tita na si Digna (Tina Paner).

Makailang beses na siyang sumabak sa auditions para sa talent searches pero hindi siya nakakalampas sa unang round. Pangarap nila ng kanyang ama na si Obet (Matt Evans) na maging isa siyang professional singer at makita sa telebisyon. Ngunit ang pangarap na ito ay big­lang gumuho sa biglaang pagkamatay ng haligi ng kanilang tahanan.

Bilang panganay, pinili ni Elha na tulungan ang ina na kumayod at magbenta ng banana cue. Ang kalsada na ang kanyang naging bagong entablado dahil bigay todo kung handugan niya ng awitin ang kanyang masugid na customers. Makukuha niyang muli ang kumpyansa sa sarili na nag-udyok sa kanya sumali sa The Voice Kids -  desisyong babago sa kanyang buhay niya at ng kanyang pamilya.

Tampok rin sa episode sina Bryan Termulo, Paco Evangelista, Bianca Bentulan, Tom Doromol, Menggie Cobarubbias, at Hyubs Azarcon. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Frasco Mortiz, at panulat ni Mark Duane Angos.

ACIRC

ANG

BIANCA BENTULAN

BRENNA GARCIA

BRYAN TERMULO

ELHA

ELHA NYMPHA

FRASCO MORTIZ

QUOT

STRONG

VOICE KIDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with