Alden at Yaya Dub ‘di malayong imbitahan din ni Ellen DeGeneres
Hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay pati ang American veteran host na si Ellen DeGeneres ay mapukaw din ang attention ng AlDub at i-guest sina Alden at Yaya Dub sa kanyang malaganap na programa sa Amerika tulad ng ginawa nito sa singing sensation na si Charice Pempengco.
Anything can happen and anything is possible lalo na nga’t aktibo ang fans ng AlDub na walang kapaguran sa pagti-tweet.
Fil-Am na si Michelle Talley nagka-interes na rin sa showbiz
Malakas talaga ang hila ng showbiz sa Pilipinas para sa mga Fil-Am talents sa Amerika na nagnanais na maging bahagi sa mundong ito. At isa na rito ang balikbayan at Fil-Am na si Michelle Talley na kasalukuyang nasa bansa para magbakasyon pero naengganyo sa kaway ng showbiz.
Si Michelle ay anak ng isang Filipina mother with an American dad. Siya’y nagtapos ng B.A. Theater Arts sa University of California sa Amerika at sumailalim din ng iba’t ibang pag-aaral sa Playhouse West sa ilalim ni Robert Camegie, Killian’s Commercial Workshop Foundations, Comedy Sportz Imrov at voice sa ilalim nina Griffith Frank at Brigitte Doss-Johnson.
Nag-aral din ng basic Spanish, British accent at southern accent si Michelle bilang paghahanda sa kanyang Hollywood dream.
Sa Amerika ay nakagawa na siya ng ilang TV commercials para sa Assassin’s Creed, Microsoft, Plato’s Closet, Goodle, at Toops BUNT Mobile App. Nakagawa na rin siya ng ilang pelikula tulad ng Love Seasons, Miss Candy’s Dark Room, at Search for Outlander sa ilalim ng New Film Academy and has participated in theater plays tulad ng Rumination, Mummified Deer, Holy Ghosts, After Hamlet, at Birdman. She also did hosting jobs sa Datzhott, Annerick TV, at WTV.
Habang nagbabakasyon siya sa Pilipinas ay na-amaze si Michelle sa mga local stars and talents kaya nais niyang subukan na rin ito.
Nakilala namin si Michelle sa tulong ng veteran entertainment writer na si Ronald Constantino na ang U.S.-based sister na si Larcy ay family friend ng pamilya ni Michelle.
Unang nagpakita ng interes kay Michelle ay ang top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario.
Given the break, mukhang may potential si Michelle na maging malaking pangalan sa Philippine showbiz.
Since hindi pa marunong magsalita ng Tagalog si Michelle, kumukuha ito ngayon ng crash course in Tagalog bilang paghahanda sa kanyang pagsabak sa showbiz.
- Latest