^

PSN Showbiz

Malaki raw ang ipinagbago... Maja natulala kay Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilang taon na ang nakalilipas nang huling magkatambal sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin sina Coco Martin at Maja Salvador. Sa Lunes ay magsisimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang muling pagtatambalan nina Coco at Maja na Ang Probinsyano. “Matagal kaming hindi nakapagsama sa isang proyekto at sa pagbabalik tambalan namin excited kami. Kasi mas naging mature kami ngayon. Pagdating sa trabaho mas nagtutulungan kami. Nakakatuwa kasi ‘yung mga taong sumusuporta at humahanga sa amin nandiyan pa rin ngayon,” pahayag ni Coco.

May bulung-bulungan na nililigawan na diumano ng aktor ang dalaga ngayong madalas na muli silang magkasama. “Kami ni Maja every time lumalabas kami or may project kami or kahit ano mang ginagawa naming show, nandoon kami para pasayahin ‘yung mga tao. Pero pagdating sa personal na buhay may kanya-kanya kami,” giit ni Coco.

“Hindi, mas importante kasi sa amin ang maging magkaibigan muna kayo at mas pagtrabahuhan muna ang proyektong ginagawa n’yo. Hindi naman ako nagsasara (ng puso sa pag-ibig) pero this time kasi talagang priority ko is my work and my family,” dagdag pa niya.

Para naman kay Maja ay malaki na raw ang ipinagbago ni Coco ngayon kumpara noong huli silang nagkatambal sa serye. “Noong first taping day ko (sa Ang Probinsyano) parang nakatulala ako kay Coco, parang ‘Si Coco ba ‘to?’ Madaming pinagbago pero maganda, parang panibagong Coco ‘yung nakikita ko. Kung sobrang grabe ng passion na nakita ko no’ng nagsimula sa Puso at Minsan Lang Kita Iibigin, dito habang nagte-taping kami ng Ang Probinsyano, iba. Iba ‘yung binibigay niya. Talagang sabi ni direk 100%,” nakangiting kwento ni Maja.  

Pero ang dami raw offer Dawn ‘di kayang ipagpalit ang showbiz sa pulitika

Nalalapit na ang pagtatapos ng termino ni Rep. Anton Lagdameo sa Davao del Norte. Kumakalat ngayon ang balita na ang asawang si Dawn Zulueta raw ang nagbabalak na pasukin na rin ang pulitika at maglingkod sa mamamayan. “Mayroong mga offers,” bungad ni Dawn. Nagpapasalamat daw ang aktres sa mga alok na kanyang natatanggap pero masaya siya sa kanyang mga ginagawa ngayon. “I’m very grateful for the offers that come our way, that they consider me, pero I know naman kasi what my limits are. I’m happy with what I do, like acting, and this is where I want to stay,” paliwanag ni Dawn.

Nagkausap na kaya sila ni Anton tungkol dito? “Hindi siya nangungulit, alam niyang hindi ko linya ‘yun eh,” giit ng aktres.

Samantala, abala na ngayon si Dawn Zulueta sa paghahanda para sa teleseryeng You’re My Home. Kasama ng aktres sa nasabing soap opera sina Richard Gomez, JC De Vera, at Jessy Mendiola.

ACIRC

ALIGN

ANG

ANG PROBINSYANO

COCO

DAWN ZULUETA

KAMI

MAJA

MINSAN LANG KITA IIBIGIN

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with