JM nakakahinayang!
Tsk, tsk, tsk, mukha yatang totoo ‘yung mga masasamang balita na lumalabas ngayon tungkol sa nakalayo na sa kanyang masamang bisyo na si JM de Guzman. Tinanggal daw ito sa pang-MMFF movie niya na kapareha ni Jennylyn Mercado.
Sayang naman, JM. After ng movie mo with Angelica Panganiban na That Thing Called Tadhana na talaga namang tinanggap ng manonood, ngayon ka pa ba magpapabaya?
Ayun, natakot tuloy sa ‘yo pati ang kapareha mo sa movie kaya bye bye ka na sa movie niyo, sayang talaga. Asan kaya si father mo na baka magawan ka uli ng magic at maibalik ang mabuti mong gawi?
Sheryl walang karapatan maliitan sa mana kay FPJ
Naliliitan daw si Sheryl Cruz sa tinanggap na mana mula kay FPJ kung kaya ayaw nitong suportahan ang kandidatura ni Sen. Grace? Ano ba yun? Kailangan ba na malaki ang naging mana niya eh, pamangkin lamang siya? Dapat pasalamat na lang siya sa anumang biyaya na tinanggap niya mula sa namayapang ama ng pinsan niyang tumatakbo sa pagkapangulo.
Anak ni Herbert gustong sumikat sa apelyido ng ina
Para na ring si Julia Barretto ang anak na artista nina Mayor Herbert Bautista at Tates Gana, ayaw gamitin ng bagets ang apelyido ng kanyang ama at ang apelyido ng ina ang ginagamit na screen name. May permiso ba dito si Mayor? Baka naman ayaw ng bagets na maki-ride on sa kasikatan ng ama kaya iniba ang apelyido niya. Ask ko nga siya kapag nakita ko.
- Latest