Busy Saturday: Fans ng mga loveteam ng ABS-CBN at AlDub Nation may giyera sa Twitter
May Twitter war sa Saturday dahil sa Eat Bulaga at kick-off ng anniversary ng It’s Showtime next month. Hindi lang ratings ang paglalabanan ng dalawang noontime shows, pati na number of tweets. Magiging busy na naman ang Twitter sa Saturday nito, walang tulugan, at walang pahinga nito ang fans.
Mapantayan o malagpasan pa kaya ang 12.1-M tweets ng AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ang record nila sa last Saturday episode ng Eat Bulaga na may hashtag na #ALDUBMostAwaitedDate?
Sa Araneta Coliseum gagawin ang It’s Showtime at guests halos lahat ang kanilang big talents kabilang ang mga sikat nilang love teams. Magtutulung-tulungang ang fans ng ABS-CBN loveteams na mag-tweet and hopefully, talunin ang 12.1M record ng AlDub Nation.
Siguradong ngayon pa lang, kanya-kanya nang paghahanda ang grupo ng fans at viewers ng ABS-CBN ng kanilang strategy kung paano malalampasan ang 12.1-M tweets ng AlDub Nation.
Aabangan din kung ano ang ipantatapat ng EB sa Showtime sa Sabado. Tuluyan na kaya nilang pagsalitain si Yaya Dub o may iba silang pasabog sa Kalyeserye at sa show?
Jasmine lumalabas pa rin kasama ni Sam!
Pinayagan ng TV5 si Jasmine Curtis-Smith na mag-promote ng horror movie na Resureksyon ng Regal Entertainment at Reality Entertainment. Nag-guest si Jasmine sa Deal or No Deal at pati ang play na No Filter ay na-promote pa niya.
Hindi nga lang niya na-promote ang rom-com series niya sa TV5 na My Fair Lady. Kaya lang, parang hindi updated si Jasmine sa nangyayari sa TV5 dahil kasama niyang pinasalamatan si Ms. Wilma Galvante na wala na sa network.
Anyway, showing na ngayon ang Resureksyon at biro ni Jasmine nang makausap namin sa premiere night, ‘pag movie ang ginagawa nalilinya siya sa horror dahil ginawa rin niya ang Dementia. Maraming gulat factor ang Resureksyon at pati sa last shot sa ending, pag-iisipin ang moviegoers. Mula ito sa direction ni Borgy Torre.
Kinumusta pala namin kay Jasmine ang ex-BF niyang si Sam Concepcion dahil kasama niya sa play na No Filter at naispatan silang magkasama sa isang resto sa The Fort. Friends daw sila kahit break na. Ang hindi nito sinagot ay kung totoong binisita siya ni Brian Poe sa taping ng My Fair Lady sa Tagaytay.
Snooky takot kay direk Joel!
Gaya sa ibang cast ng Felix Manalo, honored si Snooky Serna na mapasama sa cast ng pinakamalaking historical/biographical drama to ever hit the big screen. Dahil din sa pelikula, mas lalong nadagdagan ang pananampalataya niya sa Iglesia Ni Cristo na religion niya for the past four years na.
Kuwento ni Snooky, personal at professional experience sa kanya ang mapasama sa Felix Manalo at nabigyan pa siya ng chance na maidirek ni Joel Lamangan na mahal niya, pero takot siya. Ginagampanan ni Snooky ang role ng older na si Pilar, eldest daughter ni Felix Manalo.
Showing sa October 7 ang Felix Manalo sa more than 300 theaters nationwide. Abot sa 105 stars ang bumubuo sa cast at 7,000 ang extra na INC members. Sabi ni direk Joel, maayos ang trato at pinakain ng tama ang mga extra.
Samantala, effective na kontrabida si Snooky sa teleseryeng My Faithful Husband bilang mahadera at pakialamerang ina ni Dennis Trillo at biyenan ni Jennylyn Mercado. Sa sobrang inis sa kanya ng viewers lalo na kung sinasaktan si Jennylyn, gusto siyang sugurin para iganti ang aktres sa kanya.
Regine maraming nahatak na celebrities para mag-perform ng libre
Nagpapasalamat sina Chaye Cabal-Revilla at Gary Dujali, moving forces ng PLDT Gabay Guro sa lahat ng tumutulong para maging successful ang yearly tribute para sa teachers sa buong bansa. Mula sa SM MOA, sa volunteers, sa performers na hindi nagpapabayad ng talent fee at pati na rin sa maraming sponsors.
Libre ang pagkanta ni Regine Velasquez sa theme song ng PLDT Gabay Guro na Believing In Me na libre ring isinulat ni Raul Mitra. Wala ring TF ang hosts na sina Pops Fernandez at Tim Yap at ang performers na sina Martin Nievera, Kuh Ledesma, Basil Valdez, Christian Bautista, Ima Castro, at Leo Valdez.
Pasalamat din sina Chaye at Gary na ibinigay ng Viva sina James Reid at Nadine Lustre. Magpe-perform din ang El Gamma Penumbra at si Leo Valdez at darating si Derek Ramsay. Inaayos ang schedule para makarating sina Alden Richards at Yaya Dub na endorsers ng Talk ‘N Text na kabilang sa sponsor ng event.
Almost 20,000 teachers ang inaasahang dadalo sa tribute sa kanila na ang theme campaign this year ay “I Inspire.” Ang Gabay Guro event ay magaganap this Sunday, September 27, 1 p.m. onwards at musical director si Raul.
- Latest