Maricar malaki na ang kinikita sa paggawa ng cake
Namamayagpag na ngayon ang cake business ni Maricar Reyes. Nagsimula raw ang hilig ng aktres sa mga tsokolate noong bata pa siya. Malaking tulong ang pagiging chef ng asawang si Richard Poon kaya sumagi sa isip ng aktres na magkaroon ng sariling negosyo. “Ako na ang nag-decide na chocolate cakes and in fairness naman sa kanya he supported me. Ever since I was a kid I loved sweets. Pero every once in a while I do love to have a really nice chocolate cake, a chocolate drink or a cupcake or ice cream basta chocolate ‘yung hilig ko. This started when Richard noticed that I really loved chocolate. Kasi he cooked for six years sa restaurant ng dad niya. Tapos sabi niya that chocolate is enhanced if you have really good wine. We also wanted to form a business together as husband and wife so naisip namin either beef noodles or chocolate cake,” pagbabahagi ni Maricar.
Marami ang napapasaya at nasasarapan sa chocolate liquor cake na ibinebenta ng aktres. Isa sa mga nakatikim sa nasabing cake ay ang Queen of All Media na si Kris Aquino. “We first started selling it to friends. We had them try it and had them tell us what they thought. Then Kris Aquino tried it, she liked it. We gave the cake sa Aquino and Abunda Tonight. So kinakabahan kami kasi we didn’t hear anything, later in the evening, nag-text siya na natuwa siya. She said that it was one of the bests that she tasted,” kwento ni Maricar.
Kahit may negosyo na ay wala naman daw sa plano ng aktres na iwan na ang pag-aartista. Nangangarap din ang mag-asawa na magkaroon ng sariling bakery o café balang araw.
Susan tatahimik muna para matulungan si Senator Grace
Makahulugan ang naging pahayag ni Susan Roces tungkol sa ginawang deklarasyon ng pagkandidato sa pagka-Presidente ng anak na si Senator Grace Poe-Llamanzares kamakailan. “Bilang ina, never kang handang-handa. May mga pangyayari na bigla ka na lang nagugulat. Pero siyempre para sa magulang, ang anak mo muna bago ang sarili mo, because it will be very selfish of a parent to be the one to decide kung ano ang para sa anak not unless opinyon mo ay hinihingi,” nakangiting pahayag ni Susan.
Humingi kaya sa Queen of Philippine Movies ng opinyon ang senador tungkol pagkandidato nito? “’Pag nakikita mo na desidido sa kanyang ginagawa, nandito ka lang para manalangin at kung anong magagawa para makatulong. Sa ngayon ang aking pananatiling tahimik ang makakatulong,” dagdag ng aktres.
Naniniwala raw si Susan sa kakayahan ng kanyang anak kung sakaling maluluklok ito sa posisyon. “Bilang magulang, ibig nating makamit ng mga anak natin kung ano ang kanilang inaasam sa buhay. Si Grace, ang napiling kurso sa kolehiyo ay political science. So alam ko na nakahanda siya na harapin kung ano mang concerns ang related sa trabahong ‘yan,” pagtatapos niya.
- Latest