Binay gustong kunin si Alden kung isasapelikula ang buhay
MANILA, Philippines — Hindi na nga mapigil pa ang kasikatan ni Alden Richards.
Sa tindi ng kanilang split-screen love team ni Maine Mendoza alyas “Yaya Dub,” nais na siyang kunin ni Bise Presidente Jejomar Binay upang gumanap sa kaniyang buhay, kung sakali mang isasapelikula ito.
"Kaya ko nabanggit kasi sikat na sikat, e," sagot ni Binay nang makipagtsikahan sa entertainment press.
Nagtataka tuloy ngayon kung paano ito gagampanan ni Alden dahil magkalayo ang kanilang kulay at itsura.
"Sa sine naman wala namang imposible. Hindi ba, itinutugma naman kung ano ang pangangailangan," tugon ng Bise Presidente na tatakbong pangulo sa 2016.
Samantala, sina Alden at Maine din ang nais niyang kunin bilang endorses niya para sa kaniyang kampanya.
Mukhang magiging malabo ito dahil nauna nang sinabi ni Senator Tito Sotto na walang ieendorsong politiko ang “Kalyeserye” love team.
Isa rin sa nais na maiambag ni Binay sa showbiz ay ang pag-apruba ka Nora Aunor bilang National artist, at magiging possible lamang ito kung siya ang mananalo sa darating na eleksyon.
- Latest