Pauleen binitin muna ni Vic
Hindi na naman pala sa taong ito magaganap ang kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna. Dahil daw sa kabisihan ni Bossing Vic para sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, kung kaya naisip nilang iurong ang nauna sana nilang balak na pagpapakasal sa taong ito.
Sa halip na magsintir sa mga kaganapan, ginagawa na lamang na positibo ng bride-to-be ang pagkakaurong ng inaasahan ng lahat na wedding day niya.
Mas mapaghahandaan pa niya ang ginagawa niyang wedding preparations niya.
Donita isinakripisyo na ang career para balikan ng mister
Napakagandang balita ang tinanggap ko na nagkabalikan pala sina Donita Rose at ang negosyanteng asawa niya na si Erik Villarama. After Let the Love Begin ay bumalik ng U.S. si Donita para makipag-ayos kay Erik. At wagi siya, nagkabalikan sila!
Kung ang kapalit ng pagkakasundo nilang muli ay ang pagtigil niya sa showbiz dahil kailangan niyang samahan si Erik sa U.S., pumayag siya para rito.
Ito marahil ang sakripisyo na kailangan niyang gawin for her marriage.
Maging kuntento at huwag magpaka-nega
Huwag naman tayong ganyan. Kung gustong makabalik sa kasikatan ng programa ng kabilang istasyon. Eh, ‘di hayaan natin sila. Magpasalamat na lang tayo sa malaking kasikatan na tinatamasa ang kalyeserye ng Eat Bulaga at ang kasikatan ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Hayaan natin silang humanap ng paraan para makasabay sa programa ng GMA. All is fair in love, war, and TV ratings
Kakai masuwerte sa lalaki
Hindi man naging mabulaklak ang naunsyaming relasyon ni Kakai Bautista sa isang Thai superstar actor na si Mario Maurer, mukha namang wagi siya rito kay Ahron Villena na sinasabi ng marami na obvious na ang relasyon pero ayaw pa nilang aminin.
Eh ‘di wow! Congratulations din.
- Latest