Wala nang makakapigil sa kasal Vic namanhikan na sa ama ni Pauleen!
SEEN: Namanhikan si Vic Sotto sa tatay ni Pauleen Luna noong nakaraang linggo. Personal at pormal na hiningi ni Vic sa ama ni Pauleen ang kamay ng kanyang fiancée.
SCENE: Si Coco Martin ang recipient ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award sa FAMAS Awards na ginanap noong Linggo sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila. Timing sa airing ng television remake ng Ang Probinsyano sa September 28 ang parangal na ipinagkaloob ng FAMAS kay Coco.
SEEN: Offended ang ilang fans nina Vilma Santos at Sharon Cuneta dahil hindi kasama ang kanilang mga idolo sa Iconic Movie Queens of Philippine Cinema, ang natatanging pagkilala ng FAMAS kina Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, Maricel Soriano, Dawn Zulueta, at Sarah Geronimo.
SCENE: Ang mga nagwagi sa 2015 FAMAS:
Best Picture: Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Best Director: Enzo Williams, Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Best Actor: Allen Dizon, Magkakabaung
Best Actress: Toni Gonzaga, Starting Over Again
Best Supporting Actress: Sylvia Sanchez, The Trial
Best Supporting Actor: Gabby Eigenmann, Asintado
Best Screenplay: Ricardo Lee, Enrico Santos, at Kriz Gazmen, The Trial
Best Cinematography: Carlo Mendoza, Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Best Editing: Carlo Francisco Manatad, Feng Shui
Best Story: Ricardo Lee, Enrico Santos, at Kriz Gazmen, The Trial
Best Sound: Addiss Tabong, Feng Shui
Best Musical Score: Michael Abadam, John Angeles, at Carlos Barcelona, She’s Dating the Gangster
Best Visual Effects: Erick Torrente, Magnum Muslim .357
Best Original Theme Song: Hindi Pa Tapos, Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Best Child Performer: Miggs Cuaderno, Asintado
Special Awards: Dr. Jose Perez Memorial Award: Lhar Santiago
Arturo M. Padua Memorial Award: Emy Abuan
German Moreno Youth Achievement Award: Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Diego Loyzaga, Jasmine Curtis Smith, Kiko Estrada, Kim Rodriguez, Mark Neumann, Nadine Lustre, Robi Domingo, at Sofia Andres
FAMAS Lifetime Achievement Award: Joey De Leon, Tito Sotto, at Vic Sotto
Public Service Award: Kaye Dacer and Julius Babao.
SEEN: Marami ang nakaka-relate sa pinagdaraanan ni Pastillas Girl dahil nangyayari ito sa totoong buhay. Kaya naman mas dumami rin ang sumusubaybay ng Nasaan Ka Mr. Pasitllas ng It’s Showtime.
- Latest