^

PSN Showbiz

Boyet natututo na raw, ayaw na ulit ‘mawala sa sarili’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang ganda ng ginawa ni Christopher de Leon nang ikuwento at marinig kay Jun Lalin na natakot sila ni Fernan de Guzman nang minsang ma-interview ang aktor na wala sa kondisyon dahil baka magalit ito sa kanila. Nang marinig ‘yun ni Boyet, agad na nag-sorry ito kay Jun sa harap ng ibang press na kausap sa taping ng Beautiful Strangers.

Natawa na lang si Boyet nang maalala ang panahong “wala siya sa kanyang sarili” dahil sa alam n’yo na. Hindi na raw mangyayari ‘yun dahil natuto na siya. Nabanggit din ni Boyet na pinagbabayaran niya nga­yon at ng kanyang pamilya ang mga maling nagawa niya dati.

Samantala, very grateful si Boyet na kasama siya sa Beautiful Strangers. Namangha siya sa material at unang basa pa lang niya sa script ay hindi na niya ito binitiwan dahil maganda ang pagkatahi-tahi ng material.

Pinuri rin ni Boyet ang young cast na lahat ay mahusay umarte, very professional, at mababait. “I’m happy I’m doing scenes with a lot of good actors here, lahat sila magagaling, kaya napapabilis ang taping namin,” wika ni Boyet.

Relasyon nina Ahron at Kakai aprub na aprub sa fans

Pumapag-ibig sina Kakai Bautista at Ahron Villena at makikita sa Instagram (IG) ang dalawang mga litratong sweet na sweet sa isa’t isa. Ob­vious na may relasyon na ang dalawa kahit sabi ni Kakai na ayaw niyang lagyan ng label ang relasyon nila. “Mom” ang tawag ni Ahron kay Kakai at laging may emoticon na heart si Kakai ‘pag name-mention si Ahron.

May post itong “Salamat sa ma­higpit na yakap. Salamat sa mga simpleng bagay. Hindi ko na kayang ipaliwanag pero masaya. Salamat dumating ka @ahronvillena.” May nag-comment nga na mas nakaka­kilig sila kesa AlDub love team nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza).

Nakatutuwa na walang nagne­nega sa kung anumang relasyon meron sina Kakai at Ahron, unlike the last time nang ma-link si Kakai kay Mario Mauer. Sa bagong relasyon, tila apruba­do ang lahat. “AhKai” ang tawag ng fans sa love team nila.

Kahit todo-deny na walang relasyon Ruru isang sabi lang ni Gabbi, sumusunod agad!

‘Kaaliw si Ruru Madrid dahil kahit matagal na ang taping nila ni Solenn Heussaff ng isang episode ng Wagas ay kilig na kilig pa rin ang binata. Pati ang pagtawag sa kanya ni Solenn ng “baby” ay sobrang kinakikiligan nito. May mga picture sila ni Solenn sa IG account niya na hindi pa rin dine-delete ng bagets at tila walang planong tanggalin ito dahil crush niya nga si Solenn.

May pagkapilyo pang inamin ni Ruru na naapek­tuhan siya sa eksenang nasa beach sila ni Solenn at topless ang dalaga dahil sirena ang role at nakita siya ni Ruru. Dagdag na epekto kay Ruru ang four kissing scenes nila ni Solenn. Proud ito na makapareha at mahalikan si Solenn bago ito ikasal at request niya ito sa GMA 7.

Kaya siguro nang ma­kita ni Gabbi Garcia ang pictures ni Ruru with Solenn at picture nito na kita ang abs, pina-delete ito ng dalaga dahil may mga batang fans siya. Wala raw silang relasyon, pero si­nunod ni Ruru ang utos ng ka-love team at dinelete ang iba niyang picture na nakahubad.

Samantala, masaya si Ruru dahil hanggang en­ding na ng The Half Sisters ang karakter niyang si Joaquin dahil may regular show siya. Magre-react lang ang fans nina Barbie Forteza at Andre Paras kung totoong si Ruru ang makakapareha ng una sa ending ng The Half Sisters.

Bryan White balak bumisita ng ‘Pinas, apektado na rin ng AlDub fever

Napanood namin ang video ni Bryan White, original singer ng God Gave Me You na sinabing maghintay lang at may balak siyang bumisita ng bansa. “Keep you posted as to when I’m coming. Thank you so much and I’m so glad that God gave me you.”

May AlDub fans na nag-tweet kay Mr. White na gulat na gulat kung ano ang AlDub na laging nagti-trending, in-explain sa kanya kung ano at bakit trending ito. Sinabi rin sa kanyang malaki ang part ng song niya sa kalyeserye kaya lalong nagka-interes itong bumisita sa bansa.

May tweets pala si Maine Mendoza aka Yaya Dub after ng kalyeserye last Saturday. Tweet nito, “Bakit ang layo?” “Bat ako tawa ng tawa?” “Talagang may isaw at pugo?” “BITIN” “Ang cute nya” at “Hala ka! Bakit nandoon magulang ko!!! Pabebe much si Mother.”

Nag-post naman si Alden sa IG ng picture nila ni Maine na akmang tatakbo palapit sa isa’t isa at ang caption ay “The face.”

vuukle comment

ACIRC

AHRON

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BOYET

DAHIL

ITO

KAKAI

RURU

SHY

SOLENN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with