^

PSN Showbiz

Sexy star sopla sa aktor, binalikan nang maliitin ang kanyang sandata

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May mga babaeng personalidad talaga na parang minantikaang kawali sa dulas ang mga dila. Kung ano ang gusto nilang sabihin, nakasisira man ‘yun sa kanila, ay walang pakialam ang kanilang dila sa pagkawag.

Galit na galit nu’n ang isang action star sa isang nagpapaseksing aktres nang sabihin ng babae na ang kanyang sandata raw ay singliit lang ng isang disposable lighter. Napailing na lang ang aktor nang makarating sa kanya ang kuwento.

Pero nakatikim ng latay ang nagpapaseksing aktres nang ikuwento rin niya na super-dyutay ang isang aktor na nakasama niya sa paglipad sa langit ng kaligayahan. Napahiya ang sexy star sa kanyang ipinamalita.

Ipinarating sa kanya ng aktor na nasaktan ang ego, walang katotohanan ang kanyang kuwento, napakalaki na raw kasi ng kanyang kuweba kaya kahit sino pa ang pumasok du’n ay siguradong makakapalakpak pa.

Pahiya ang sexy star. Sinupalpal kasi siya ng aktor na ipinamalita niyang walang maipagmamalaking sandata. Nu’ng minsang magkita sa isang okasyon ang dalawang aktor na minaliit ng nagpapaseksing aktres ang mga armas ay nag-apiran ang mga ito.

Pareho kasi ang takbo ng kanilang utak, ayaw lang nilang pumatol sa babae, pero totoong-totoo ang sinabi ng unang biktimang aktor ng sexy star na nangangailangan na siya ng landscape.

May isa pang sikat na female personality na sobrang dulas ng dila sa kadaldalan. Kapag nauudyukan siya ng kanyang mga kaibigan ay ipinaglalantaran din niya ang sukat ng sandata ng kanyang mga nakakarelasyon.

At hindi lang size, pati kulay ay idinedetalye rin niya, kaya lahat ng lalaking dumaan sa kanyang mga kamay kapag naglalakad ay parang wala nang ulo.

Ubos!

Ryzza Mae binigyang pugay pa rin, hindi basta ‘itinapon’ matapos maungusan ng AlDub

Bukod sa kalyeserye ng Eat Bulaga nu’ng nakaraang Sabado na tunay namang tinutukan ng buong bayan ni Juan ay markado rin para sa amin ang ginawang pagpupugay ng noontime show kay Ryzza Mae Dizon.

Binigyan ng magandang oras ng TAPE, Inc. ang Aleng Maliit para sa kanyang seryeng magsisimula na ngayong tanghali, ang Princess in The Palace, bago ang Eat Bulaga.

Sa pagsulpot at pagkapanganak ng AlDub ay tanggapin natin ang katotohanan na nabawasan ang ningning ng child star. Kung siya ang dating pinagpipistahan sa noontime show ay napunta na ‘yun sa AlDub nina Alden Richards at Yaya Dub.

Pero hindi pinabayaan ng produksiyon si Ryzza Mae, binigyan pa rin siya ng proyektong siya ang bumibida ng TAPE, Incorporated, hindi ngayon at pinakinabangan na nila ang bata ay basta maeetsa-puwera na lang.

Kahit nga si Aiza Seguerra na tulad ni Ryzza Mae ay produkto rin ng Little Miss Philippines ay hinding-hindi pinababayaan ng TAPE, Inc. Magi­ging regular na rin ito ng Eat Bulaga sa pansamantala nitong pagbabakasyon sa isang variety show ng Dos na taon na rin ang binibilang ng kanyang partisipasyon.

Kinantahan pa ng Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon si Ryzza Mae, bibihira na lang gawin ng matagumpay na trio ang ganu’n, pero dahil na­ging malaking bahagi ng Eat Bulaga ang Aleng Maliit ay nag-effort ang mga poste ng noontime show.

Ganu’n ang marespetong pagbibigay-halaga sa mga personalidad. Hindi basta-basta itinatapon na lang kapag ang popularidad ay nababawasan na.

At du’n markadung-markado ang produksiyon ni Mr. Tony Tuviera.

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ALDEN RICHARDS

ALENG MALIIT

ANG

EAT BULAGA

KANYANG

LANG

MGA

RIN

RYZZA MAE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with