^

PSN Showbiz

Dennis naka-jackpot sa INC!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ang suwerte ni Dennis Trillo. Literal talaga siyang makikita kahit saan. Ito ay dahil sa pelikula niyang Felix Manalo na showing na sa October 7.

Sumakay ka lang sa bus makikita mo na siya. Sa ilang building sa kahabaan ng EDSA, marami rin siyang poster.

At obvious na pinagawan pa ng INC ang iba nilang bus na ang nakalagay lang ay ang poster ng pelikula dahil kahapon ay may nakita ako sa kahabaan ng Commonwealth.

Malapit na rin itong makita sa mga mall dahil magkakaroon din daw ng exhibit ang mga ilang props na ginamit nila sa pelikula.

Wow. Malaking push ito sa career ng actor.

Habang mga Pinoy tutok sa social media maraming bagets na French National nag-volunteer sa GK para tulungan ang mahihirap

Kung marami sa atin ang nangangarap na maka-travel sa France para magbakasyon o kaya ay makahanap ng magandang trabaho, iba naman ang kaso ng ilang French national na nasa bansa. Ang rason ng pamamalagi nila sa Pilipinas : para tulungan ang mahihirap na Pinoy na maging maayos ang buhay.

Kasalukuyan silang nagta-trabaho voluntarily at tumutulong para mapalago ang social entrepreneurship sa bansa sa Gawad Kalinga Enchanted Farm.

May isa akong nakausap kahapon, kung saan nagkaroon ng Family Day ng Benedictine School, si Anice. Twenty eight years old siya at single. Graduate siya ng Graphic design sa France pero pinili niyang mamalagi ngayon sa GK na pinamumunuan ni Mr. Tony Meloto. Graphic designer siya ng Gawad Kalinga ngayon.

At ayon sa isa pang French volunteer kahapon, malaki ang naitulong ng pinanggalingan nilang bansa kaya nabuo ang 34-hectare na GK Enchanted Farm.

Actually, iba’t ibang nationalities ang makikita mong nagta-trabaho sa GK Enchanted Farm. Meron nga dun na parang isang bagets na American na may bitbit sa balikat na mahabang kawayan at naka-boots ng plastic na parang isa talagang farmer. Tuloy mapapaisip ka na anong ginagawa niya sa farm na medyo malayo sa sentro ng Bulacan at mahina ang signal ng cellphone.

Meron pang isang foreigner din, na nagga-guide naman sa tour ng mga bagets ng nabanggit na eskuwelahan, sa mga alaga niyang manok at baboy.

Nakakabilib ‘di ba. Na iniwan nila ang France na pagkaganda-gandang bansa – walang traffic, hindi polluted, walang mahirap, masarap ang pagkain, etc etc. para mamuhay dito at tumira sa liblib na lugar para matulungang makaahon sa kahirapan ang maraming-maraming Pinoy na halos ang iba’y tumanda na sa kanilang kadukhaan.

Ito ay habang ang ibang mga pulitiko ay winawaldas ang binabayad nating buwis para magpabango ng pangalan ha.

At ang iba namang ordinaryong mamamayan ay hindi sumagi sa isip ang magkawanggawa dahil iba ang prayoridad.

At karamihan sa mga kaedad ng mga volunteer ng GK na ito na galing sa iba’t ibang nasyon ay papitik-pitik pa at karamihan ay adik sa social media.

Samantalang itong mga wala namang mga dugong Pinoy, hindi naisip payamanin ang sarili at magpasarap sa France. Ang iniisip ang mga kawawa naman nating kababayan.

Anyway, sayang nga hindi ko na narinig magsalita si Mr. Meloto kahapon.

Sana nga imbes na maging abala ang marami sa atin sa social media at pagpo-post nang kung anu-anong bagay, makaisip din silang magkawanggawa para sa mga mahihirap. Ito na kasi ang nalilimutan ng karamihan, kasi nga abala ang lahat sa social media na ginagawang status symbol.

Nakakahiya sa kanila ‘di ba?!

By the way, meron din silang eskuwelahan doon kung saan karamihan sa mga estudyante ay anak ng mga magsasaka.

Magandang pasyalan ang GK Enchanted Farm dahil magkakaroon kayo ng idea kung paano ang ginagawa nilang pag-develop sa social entrepreneurs.

Matatagpuan ang GK Enchanted Farm sa Pandi, Bulacan.

Sitti mas ginanahang magsulat ng kanta nang magkaasawa

Almost ten years na pala since the release ng double platinum album ng bossa nova queen na si Sitti, ang Café Bossa.

Pero hindi nawala sa kamalayan si Sitti dahil sa kanyang mga kanta. At siyempre, tumatak talaga ang pangalan niya sa music industry.

At ngayon, ni-revive niya ang well-loved album, recorded al fresco with Singles Bossa Nova Trio.

Nakipag-usap siya sa MCA Music (producer ng album) para sa live recording session sa isang bahay sa Rizal with guitarist Erskine Basilio and precisionist Diego Martinez. Wala silang pressure, just good old jamming, and this time daw with Mother Nature. “What makes this record special is that the birds from the area sang with me as well,” pag-aalala ni Sitti.

At higit pa sa gusto ni Sitti ang nabuo nila.

Ang ilan sa mga kilalang singles ni Sitti had a fresh twist like Girl From Ipanema, Tattoed On My Mind, and Para sa Akin.

Kasama pa ang ibang favorite na Sunday Morning, I Want It That Way, To Forget You, and La La Means I Love You at iba pa. Pero this time kasama sa album ang kanyang original songs. Ang carrier single na Ligaya ay naglalaman ng kanyang nararamdaman ngayon bilang isang misis na.

Tungkol din ang kanta siyempre sa kanyang asawang si Joey Ramirez. Bukod sa Ligaya original song din sa album ang Answers at All I Ever Wanted.

Ang akala ng karamihan ay basta bossa singer lang si Sitti. Kakaunti ang nakakaalam na sumusulat din siya ng mga kanta. “I really truly hope the fans would like them. And I continue praying that God will breathe some more songs through me.”

Dahil sa pagiging buhay misis, asahang mas marami siyang masusulat na kanta dahil sa pagiging inspirado. “I had no idea being married could give one such happiness. I feel very lucky too knowing that I have a wonderful husband to walk through this earth with.”

Sa ngayon ay anak na lang ang hinihintay nilang mas-asawa.

Singles Bossa Nova Trio is now out on CDs at Astroplus and Astrovision outlets and available for download on Spinnr and iTunes.

ACIRC

ANG

DAHIL

ENCHANTED FARM

IBA

ITO

MGA

PARA

PINOY

SINGLES BOSSA NOVA TRIO

SITTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with