^

PSN Showbiz

JM bayolente na pag nasa taping, pati director ‘di na rin sinasanto Enrique naduwag sa hamon ni JM, nagsumbong sa mga bossing Dingdong hindi pa rin alam kung

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May ilang kaibigang press ang nagsadya kay Willie Revillame sa taping ng CelebriTV nu’ng nakaraang Huwebes.

Excited sila sa one-on-one interview ni Tito Joey de Leon kay Willie na first time pa lang nila ginawa sa TV.

Nandun pa rin kasi ang tatak ni Willie na pamimigay ng jacket, pero na-surprise ito nang si Tito Joey mismo ay nagbigay ng jacket sa kanya.

Natutuwa si Willie at okay na okay na sila ni Joey at suportado ang programa niyang Wowowin.

PAK: Hindi kami sinagot ni Dingdong Dan­tes sa tanong namin kung totoong nagbigay na sila ni Marian Rivera ng suporta sa kandidatura ni Sen. Grace Poe

“Wala pa. Sino nagsabi?” paiwas na sagot sa amin.

“Next year na ako mag-a-announce,” naka­ngiti niyang pahayag sa amin nang sandaling nakatsikahan namin sa live telecast ng Starstruck VI.

Ang tanging makumpirma lang daw niya ay hinding-hindi raw siya tatakbo sa 2016 elections.

Nandiyan pa rin kasi ang pangalan ni Dingdong sa mga senatoriables, kaya natatawa na lang siya dahil wala pa raw talaga sa plano niya ang sumali sa pulitika.

BOOM: Tinanggal na ni JM de Guzman sa kanyang Instagram account ang panghahamon ng away kay Enrique Gil.

Matindi ang post nito ng litrato ng matalim na mata niyang galit na galit.

Sabi nito sa caption na ipinost niya; “With all due respect to Enrique Gil’s friends, fans, and family. I would like to challenge you to one on one amateur mixed martial arts match any place any time. I’ll give you time to prepare. Man up. Face me. (reply to my text messages please.) thanks brother.: @enriquegil17”

Isinumbong daw ni Enrique sa mga executives ang mga itini-text ni JM. Hindi niya pinatulan ang naturang hamon ni JM.

Naging masalimuot ang mga pangyayari pagkatapos ng gulong nangyari sa London flight, dahil nakipag-break na rin si Jessy Mendiola kay JM.

Nakatutok daw ngayon ang pamilya kay JM dahil sa tila bumabalik na naman siya sa dati niyang nakaugalian.

Ang latest ngang narinig namin, mukhang tatanggalin na raw ang aktor sa All of Me dahil na rin sa mga ipinapakita raw nito sa staff sa taping.

Totoo bang nagagalit daw ito kapag ginigising siya sa set?

Kahit nga raw ang direktor ang gumigising sa kanya para mag-take na ay hindi raw nito sinasanto. Kaya nagsumbong na raw sa mga boss ang buong production staff kaya ang focus na lang daw ng kuwento nito ay kay Albert Martinez na.

Kung totoo nga ito, nakakapanghinayang naman dahil isa sa pinakamagaling na young actors natin si JM.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MARTINEZ

ALL OF ME

ANG

DINGDONG DAN

ENRIQUE GIL

GRACE POE

JESSY MENDIOLA

MARIAN RIVERA

RAW

TITO JOEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with