^

PSN Showbiz

Kris lalayasan si Boy para kay Mayor Herbert!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga dahilan kung bakit sinusubaybayan si Kris Aquino sa kanyang mga programa sa TV ay sa rami niyang pasabog. Maski sa presscon ng pelikula niyang Etiquette For Mistresses kung saan kasama niya sina Claudine Barretto, Iza Calzado, Kim Chiu, at Cheena Crab ay naging pasabog siya dahil sa pagiging mistress niya since ang mga nakarelasyon niya ay hindi pa annulled sa kanilang mga asawa.

Marami pang inamin si Kris na ikinasiya ng media dahil naging totoo siya. Sinabi rin niya na bago niya tinanggap ang role ay klinaro niya sa direktor ng movie na si Chito Roño na marami siyang endorsement at hiling niya na hindi maapektuhan ang mga ito sa ga­gampanan niyang role.

Nung 1992 pa isinulat ng batikang journalist na si Julie Yap Daza ang Etiquette For Mistres­ses base sa buhay ng ilang mga kaibigan niyang “kabit” at kung ano ang puwedeng matutunan sa kanila ng mga asawa ng karelasyon nila.

Ginabayan si Kim Chiu ng apat sa pelikula dahil batang-batang siyang na­ging “mistress.” Inamin naman ni Kim na hindi niya ma­gagawa sa tunay na buhay ang role sa movie dahil may takot siya sa Diyos.

Sinabi naman ni Claudine na ang kagustuhang makatrabaho si Chito Roño at Kris ang nagganyak sa kanya na gawin ang pelikula para sa Star Cinema. Mayroon na siyang kasunod na movie after EFM.

To work for the first time with direk Chito ang naging atraksyon ng pelikula kay Iza Calzado. First time rin niya with Kris, Kim, and Cheena.

Ayon kay Kris pagkatapos ng Etiquette For Mistresses ay gagawin din niya ang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila ni Mayor Herbert Bautista na inamin niyang kaibigan pa rin niya, pero maraming pagbabago siyang gusto sa movie na ayaw muna niyang i-divulge. Sinabi rin niyang baba­lik siya ng Aquino & Abunda Tonight, pero isang linggo lang at pagkatapos nito ay iiwan na niya ang programa na isang buwan nang tumatakbo na wala siya. Dahil ito sa payo ng mga doktor niya na kaila­ngan niyang magbawas ng trabaho. Mapapalitan ang titulo ng programa ng Boy Abunda Tonight. All the way naman siya sa Kris TV dahil may kontrata siya rito na tatagal hanggang sa mapalitan na ang pangulo ng bansa.

Showtime nakakabawi na dahil kay Ms. Pastillas

Hindi man masabing mapapataob ng paghaha­nap ng isang Mr. Pastillas ng It’s Showtime ang ka­­si­katann ng AlDub phenomenon ng Eat Bula­ga, nagagawa na ng pangtanghaling programa ng ABS-CBN na makipagsabayan sa kanilang napa­ka­l­akas na kalaban. Wala naman silang choice. Ayaw naman siguro nilang maiwan sa pansitan.

Dalawang buwan nang pinagkakaguluhan si­na Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Naka 2nd monthsary na nga sila. Pero hindi ito da­hilan para hindi isilang si Ms. Pastillas na naghahanap ng kanyang Mr. Right.

Medyo mahirap sa simula dahil maraming kalalakihan ang handang “paglaruan”, malakas ang appeal ni Ms. Pastillas para isnabin kaya in due time, men from every part of the Philippines ay magsisimula nang magpakilala sa dalaga at magpakita ng kanilang tu­nay na saloobin sa kanya. Kaya, abangan ang kanilang magiging courtship on TV.

ACIRC

ALIGN

ANG

CHITO RO

LEFT

MS. PASTILLAS

NBSP

NIYA

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with