?Kris consistent sa pang-iiwan kay Boy
Mukhang napapadalas ang pang-iiwan ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang best friend na si Boy Abunda sa mga programang kanilang pinagsasamahan
Kung matatandaan pa, unang nagkasama sina Kris at Boy sa Startalk ng GMA na nagpaalam na rin sa ere last Saturday, September 12 pagkatapos ng 20 taon nitong pamamayagpag sa ere.
?Unang umalis si Kris sa Startalk para lumipat ng ABS-CBN. Sumunod naman sa kanya si Boy Abunda at sila’y nagsama sa now-defunct showbiz-oriented show na The Buzz. Sa kalagitnaan ng The Buzz ay umalis si Kris pero muli siyang bumalik sa program after a year. Si Kris ay isa rin sa mga dahilan kung bakit nagpaalam na rin sa ere ang The Buzz.
?Nagkasama rin sina Kris at Boy sa late night show na Showbiz News Tonight pero hindi rin na tagal sa ere ang programa. Nasa ere pa ang The Buzz nang simulan nina Kris at Boy ang nightly talk show nilang Aquino and Abunda Tonight. Last Wednesday, inihayag ni Kris sa isang presscon na aalis na siya sa tambalan nila ni Boy sa Aquino and Abunta Tonight due to health reasons kaya maiiwang mag-isa sa programa si Boy.
Maxene gitarista ang bagong BF
Masaya na naman ang kapaligiran ng panganay naanak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona na si Maxene Magalona dahil may bago itong boyfriend sa katauhan ng guitarist ng Pulso band na si Robby Mananquil at anak ng Lifestyle Editor ng The Philippine Star na si Ms. Millet Mananquil.
Since bago pa lamang ang relasyon ni Maxene sa kanyang latest nobyo, hindi pa sila humahantong sa usapang pagpapakasal.
At 28, handa na rin si Maxene na mag asawa sakaling yakagin siya ng kanyang boyfriend na magpakasal.
Naunahan pa si Maxene ng kanyang nakababatang kapatid si Saab Magalona na ikinasal sa nobyo nitong si Jim Bacarro last January 2015.
?Si Maxene ay huling napanood sa first season ng Your Face Sounds Familiar.
- Latest