^

PSN Showbiz

AiAi luhaan sa misyon, ‘di nagtagumpay na makausap ang ama ni Jiro sa Japan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kakaibang celebrity talk show ang ipapalit sa Startalk na pinamagatang Celebri-TV.

Magsisimula na ito sa darating na Sabado, September 19 na tatampukan nina Joey de Leon, Lolit Solis at Aiai delas Alas bilang main hosts. Kasali pa rin si Ricky Lo na correspondent ng naturang talk show.

Sa pilot episode nito ay first time na magtatapat sa isang masayang one on one interview ni Tito Joey kay Willie Revillame.

Si Willie ang excited sa pagtatapat nila dahil hindi pa raw nila ito nagawa magmula nang magkaayos sila.

PAK: Ginagawang biro na lang ni Direk Edgar Mortiz ang pag-tweet tungkol sa pang-iisnab sa kanya ng isang young actress sa nakaraang Star Magic Ball.

First time pa naman daw niyang um-attend sa ganung taunang event at naka-experience pa siya ng ganung pandededma mula sa mga naging artista niya noon.

Halos lahat na mga young stars na nakita si Direk Bobot ay lumalapit at binabati ito. Bukod tangi lang itong si young actress na dedma sa kanya.

Sabi na lang ni direk Bo­bot na ‘pag sumikat daw siya ay dededmahin niya rin ito.

Iba naman ang senti­m­yento ng isang lady produ­cer sa isang sikat na aktres na tahasang inis­nab daw siya nang magkita rin sila sa isang event.

Naging artista pa naman daw ni lady produ itong si sikat na aktres at sabi nga niya milyun-milyon ang binayad niya, pero dedma lang ito nang magkita silang dalawa.

Ang partner ni aktres ay lumapit at bumati kay lady producer pero itong si aktres ay dedma.

Sure naman si lady produ na kilala siya ni aktres dahil ilang beses naman daw silang nagkita noon sa shooting.

Sabi na lang ni lady produ, never na niya talaga kukunin sa mga future projects niya itong si sikat na aktres.

BOOM: Hindi natuloy ang pagkikita nina AiAi delas Alas at ng Japanese father ni Jiro Manio.

Ang pagkakaalam namin, kagabi dumating sina AiAi galing Japan pero bigo ito na hindi siya makapagdala ng magandang balita kay Jiro na nasa rehab pa rin hanggang ngayon.

Nahalata na namin sa mga pinu-post ni AiAi nung kamakalawa ng hapon dahil talagang gusto niyang tuparin ang pangako niya sa dating child actor na magkita sila ng kanyang tunay na ama.

Hindi pa naman daw siya susuko. Gagawan pa rin ng paraan ni AiAi na makausap ang ama ni Jiro para sa posibilidad na pagkikita ng mag-ama.

Sa post ng Comedy Queen nung kamakalawa lang, tila ipinaubaya na niya sa Diyos kung matutuloy ang pagkikita o hindi.

Aniya; “God has a reason for allowing things to happen. We may never understand His wisdom, but we simply have to trust His will.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

COMEDY QUEEN

DIREK BOBOT

DIREK EDGAR MORTIZ

JIRO

JIRO MANIO

LOLIT SOLIS

NIYA

RICKY LO

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with