Affected much Mark tinawag na kupal at unggoy ang basher ng mag-inang Alma at Winwyn!
Hindi napigilan ni Mark Herras na sagutin ang isang basher sa Instagram (IG) na nag-post na pagkatapos siyang basterin ni Winwyn Marquez, ginamit siya (Mark) ni Alma Moreno para sa political career nito.
Kinuha kasing guest ni Alma si Mark sa event ng Philippine Councilors League na si Alma yata ang president.
Sagot ni Mark: “hoy kupal!! Ayan napansin kna...Okay kna ngayon? So kung basted? Eh magkaibigan kame may magagawa ka? Ang IG talaga dapat sa mga matitinong tao lang...Starstruck? Unggoy! Wala nmn talaga ako ngayon sa live..Manager ba kita? Sorry dko alam sorry po...next time wag kang pakialamero.”
Ang ikinagalit ni Mark ay pati Starstruck idinamay, totoo namang wala siya sa live episode dahil bilang segment host, sa taped episode siya napapanood.
Alden nasaktan nang kuyugin ng fans sa backstage
Nag-viral ang video ni Alden Richards na kuha sa Meet & Greet niya sa Robinsons Place, Imus, Cavite at kung saan, medyo nasaktan ang aktor nang sugurin siya ng fans sa backstage. Mabuti at hinarangan ng isang bouncer si Alden at hindi nalapitan ng fans na bakit kaya nakaabot sa backstage?
Narinig naming may nag-comment na nasaktan si Alden nang hatakin ng isang fan ang braso nito at namula pa ang right ear. Nakalabas lang si Alden nang dumating ang maraming security guards ng mall.
Isabelle game na game humiga sa kabaong
Pinanood ni Isabelle Daza ang Twilight at Interview with The Vampire nina Tom Cruise at Brad Pitt bilang paghahanda sa role ni Mara na isang bampira sa movie na Resureksyon na co-produced ng Regal Entertainment at Reality Entertainment.
Nakatulong din kay Isabelle ang pagsu-shooting ng Kubot that time na tungkol din sa mga aswang. Metikuloso raw ang director nilang si Borgy Torre at kailangan niyang gawing mabuti ang kanyang mga eksena. Mabuti at game na game si Isabelle sa mga eksena pati sa paghiga sa kabaong at ang naging problema lang niya ay ang pagiging claustrophobic.
Showing sa September 23, ang Resureksyon, kung saan, gaganap si Isabelle na ina ni Raikko Mateo at hindi big deal sa kanya ang mother role lalo’t magaling ang child actor at cute pa raw.
- Latest