^

PSN Showbiz

Aktor walang paki Ellen harap-harapan kung ipinapahiya at supalpalin si Ejay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung matutuloy ang relasyon ng Kapamilya actor na si Ejay Falcon sa co-star niya sa Pasion de Amor na si Ellen Adarna, mukhang ang aktor ang magiging patient at mapagkumbaba sa kanilang magiging relasyon dahil mahilig manlaglag at mambuska ang sexy star na hinaha­yaan lamang nito.

Nasaksihan ng mga dumalong entertainment press sa presscon ng hit TV drama series na Pasion de Amor ang ginawang pang-aasar ni Ellen kay Ejay, bagay na ipinagsasawalang-kibo na lamang ng actor.

Although si Ellen ang ka-partner mamayang gabi ni Ejay sa annual Star Magic Ball, sinabi ng sexy star na hindi pa umano siya handa sa panibagong re­las­yon dahil sa breakup nila ni Raymond Romualdez, na ex-boyfriend din ni Gwen Zamora.

Naawa kay Ejay ang ilang entertainment press sa ginawang panlalaglag ni Ellen at kasama na rito ang pag-i-emote umano ni Ejay sa bintana (ni Ellen) at pagkapikon kapag binabanggit ang pangalan ng kanyang crush na si James Reid at pagi­ging malapit ng actor sa kanyang asong si Pebbles. Binabara rin ni Ellen si Ejay kapag may ibinubulong ang binatang actor sa kanya habang nagsa­salita. Tahimik namang nakikinig ang kanilang mga co-star sa Pasion de Amor na sina Jake Cuenca, Arci Muñoz, at Joseph Marco.

Nikki Gil ipagdaramot sa media ang kasal sa non-showbiz fiancé

Naka-leave ngayon sa ASAP ang singer-actress na si Nikki Gil para paghandaan ang nalalapit niyang kasal sa young businessman na si BJ Albert sa darating na November.

Liban sa kanyang mga kaibigan na sina Iya Villania at Shaina Magdayao na makakasama sa secondary sponsors, walang ibinibigay na detalye ang kampo ni Nikki at ang kanyang fiancé na may kinalaman sa nalalapit nilang kasal. Gusto kasi nila na maging tahimik lamang ang kanilang kasal na hindi umano bibigyan ng media coverage.

Bukod sa upco­ming wedding nina Nikki at BJ, tiyak na aabangan din ang napipintong pagpapakasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna na inaasahang magaganap bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Pinanggalingan ng ‘mahiwagang salamin’ ni Boy Abunda pahinga na

Kaabang-abang ang final episode ngayong hapon ng longest-running showbiz talk show sa telebisyon, ang Startalk ng GMA originally hosted by Boy Abunda and Kris Aquino twenty years ago.

Sa Startalk unang ipinakita ng aking Waray na kababayan na si Boy ang kanyang husay sa paghu-host, kung saan nagsimula ang kanyang “mahiwagang salamin”.

Sa pagtatapos, isang bago at kakaibang showbiz talk show naman ang magsisimula, ang CelebriTV na tatampukan ng ilan sa mga dating host ng Startalk tulad nina Joey de Leon, Lolit Solis, at Ricky Lo minus Butch Francisco and Heart Evangelista. But this time ay makakasama na nila sa bagong programa ang comedy queen na si AiAi delas Alas.

 

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ATILDE

BOY ABUNDA

EJAY

LEFT

NIKKI GIL

PASION

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with