^

PSN Showbiz

Mga outfit nina Amor at Claudia keri nang makopya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Puwede nang gawing peg at makopya ang fashion style at sense nina Amor Powers at Claudia Buenavista, ang dalawang powerhouse na karakter sa hit teleserye remake na Pa­ngako Sa ‘Yo dahil sa kakalunsad lang na ekslusibong fashion collection na sumasalamin sa katauhan ng dalawang iconic na magkaribal.

Ang Amor and Claudia Collection na handog ng ABS-CBN at CLN, ay para sa mga fashionista na gustong dagdagan ng kulay at drama ang kanilang pang-araw araw na outfit tulad nina Amor at Claudia.

Tampok sa fashion collection ang mga damit, bags, clutches, at sa­patos na sumasabuhay sa perso­nalidad nina Amor at Claudia.

“Gumawa kami ng eksklusibong mga pie­ces na bubuo sa collection. Ilan sa mga nasu­ot na damit nina Amor at Claudia na nakita na sa teleserye ay bahagi ng bagong fashion collection na ito,” pahayag ni Valerie Lao, category ma­nager ng CLN.

Isa sa mga inaasahang magiging best-seller ay ang white jumpsuit na isi­nuot ni Amor Powers sa kanyang trending comeback sa Pangako Sa’Yo.

Samantala, nagpapa­sa­lamat rin si Rex Atienza, ang head stylist ng Panga­ko Sa ‘Yo sa proyekto ng ABS-CBN at CLN dahil hindi na lang mapapanood sa TV, masusuot na rin ang mga fashionable outfits nila Amor at Claudia ng fans.

Bago ang Amor and Claudia Collection, nagkaroon na rin ng tie-up project ang ABS-CBN at CLN noong 2012 para sa Memorata shoe collection na napanood sa Ina, Kapatid, Anak.

Mabibili ang Amor and Claudia Collection sa pi­ling CLN boutiques nationwide.

ACIRC

AMOR

AMOR AND CLAUDIA COLLECTION

AMOR POWERS

ANG

ANG AMOR AND CLAUDIA COLLECTION

CLAUDIA

CLAUDIA BUENAVISTA

COLLECTION

PANGAKO SA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with