^

PSN Showbiz

Mister ni Tessa parang ikinakasal sa iba’t ibang babae kada araw!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong Miyerkules, ang makulay na buhay at bahay ng fashion icon na si Tessa Prie­to –Valdes ang bibisitahin ni Kara David sa Powerhouse.

Gaya ng kanyang pananamit, pabagu-bago rin daw ang tema ng bahay ni Tessa kada taon. African-inspired at close to nature ang tema ng kanyang tatlong palapag na tahanan ngayong taon. May carpet na mula sa tunay na tigre at may ilang naka-display na balat ng alligator.

Venice, Italy-inspired naman ang istruktura ng kanyang bahay. Makikita ang mga murano chandelier sa loob nito at isang hand-painted chandelier ang nakapupukaw atensyon sa kaniyang living room.

Karamihan ng display ay conversation pieces at ang ilan naman ay mga second hand na gamit na nabili pa raw ni Tessa sa antique shops. Gawa naman sa ilalim ng bote ang disenyo ng dingding sa dining room. Sa ikalawang palapag naman makikita ang mural sa kisame na katulad ng makikita sa Venetian Hotel. May isang kuwarto rin si Tessa na ginawa niyang walk-in closet kung saan matatagpuan ang lahat ng kanyang costumes at accessories. Isang kakaibang bintana rin ang makikita sa ikalawang palapag na pinagtatapunan ng mga damit na lalabhan.

Hindi raw agaw-atensyon ang pananamit ni Tessa Prieto-Valdes noong bata pa siya. Isang madilim na pangyayari sa kanyang buhay ang nag-udyok sa kanya na tingnan ang buhay sa kakaiba at makulay pananaw. Simula nang maaksidente at pumanaw ang kapatid ni Tessa ay naisip niya na maikli ang buhay para hindi gawin kung ano ang magpapasaya sa kanya. Simula noon ay naging positibo na ang tingin niya sa pagharap sa mga bagay. Ang pagsuot ng mga makukulay at magarbong damit ang lalong nagpatingkad sa kanyang personalidad.

Dahil sa pabagu-bagong costume ni Tessa ay parang ikinasal daw ang kanyang asawang si Dennis sa iba’t ibang babae kada araw. Dalawang dekada na mahigit ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa at kada taon ay ipinagdiriwang nila ito ng may kakaibang tema. Ang sikat na series na Game of Thrones ang naging wedding theme nila noong nakaraang taon. Ano ba ang sikreto ng mag-asawa para ang relasyon ay tumagal ng dalawampu’t isang taon?

Giselle Sanchez unang winner ng Clash of Celebrities Showtime

Ang komedyanteng si Giselle Sanchez ang nagtagumpay sa lahat ng mga bituing matatapang na tumanggap ng mga kakaibang hamon sa Clash of Celebrities ng It’s Showtime matapos siyang magwagi bilang ang unang weekly winner ng nasabing segment noong Sabado (Sept 5).

Isang kakaibang Giselle ang nagpabilib sa madlang people nang siya ay mag-beatbox habang sumasa­yaw sa kanyang performance, kaya naman dahil dito’y pasok na siya sa grand finals ng nasabing segment.

Sa Clash of Celebrities, araw-araw na nagsasalpukan ang iba’t ibang celebrities upang magbigay ng isang performance na hindi nila karaniwang ginagawa.

Ang ilan sa mga tumanggap sa hamon sina Jo­vit Baldivino na nagsayaw ng hiphop, si Mitoy Yonting na nagpakitang gilas sa doble kara, at si Kris Lawrence na sumubok namang humataw sa folk dance na sayaw sa bangko.

ACIRC

ANG

CLASH OF CELEBRITIES

CLASH OF CELEBRITIES SHOWTIME

GAME OF THRONES

GISELLE SANCHEZ

ISANG

KANYANG

KARA DAVID

MGA

TESSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with