Cignal TV umabot na sa isang milyon ang subscribers
MANILA, Philippines – Naabot na ng Cignal TV ang target nitong isang milyong subscribers. Mas maaga ito kumpara sa inaasahan nila matapos na mailunsad noong 2009 bilang pay-TV business sa ilalim ng Mediaquest, na pagmamay-ari ng Philippine Long Distance Co.’s (PLDT) Beneficial Trust Fund.
Sa pagtatapos ng 2014, umabot sa 844,000 ang subscribers ng Cignal TV. Hindi pa man natatapos ang 2015 ay naabot na nito ang 1 million subscribers kung kaya’t lubos itong ikinatuwa ng Cignal Executives kabilang na ang Cignal President and Chief Executive Officer na si Mr. Emmanuel C. Lorenzana.
Maliban sa pagkakaroon ng pinakamaraming subscriber, Cignal din ang pay-TV provider of choice ng ilan sa mga leading housing developers, hospitality and tourism businesses at iba pang institusyon. Ito ay dahil sa maganda at klarong digital viewing experience dulot ng advanced direct-to-home (DTH) satellite service ng Cignal na siya ring kauna-unahang kumpanya na naghatid ng superior 100% digital Pay-TV service dito sa bansa. Sa pamamagitan ng maraming channels nito na pwedeng ma enjoy ng mga subscribers; sa malawak na coverage na umaabot sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at sa quality audio and video ng Cignal TV, tiyak ang ibang level na experience sa home entertainment.
- Latest