^

PSN Showbiz

Derek ayaw na ng iba, gusto nang makasama habambuhay ang single mom na GF

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Non-showbiz ang bagong girlfriend ni Derek Ramsay na si Jo­anne Villablanca na may anak na rin sa dati nitong nakarelas­yon.

Kung si Derek ay may 13-year-old son na si Austin sa kanyang ex-wife, si Joanne naman ay may 7-year-old daughter.

Magkasundung-magkasundo uma­no nga­yon sina Derek at bago nitong kasintahan at umaasa ang TV5 actor na pangma­ta­galan na ang kanilang relasyon.

Bukod sa ex-wife ni Derek na si Mary Christine Jolly, na­ging ka­sintahan din noon ng hunk actor si Solenn Heussaff na engaged na ngayon sa nob­yo nitong Argenti­nian na si Nico Bolzico. Matagal ding naging nobya ni Derek ang GF ngayon ni John Lloyd Cruz na si Angelica Panganiban at san­dali naman niyang naging ka­sintahan si Cristine Reyes na may bagong ka­relasyon na ngayon, si Ali Khatibi, ang ama ng kanyang baby na si Amarah.

Pagdating galing Amerika ni Pauleen inaabangan na

Kahit nasa Amerika para dumalo sa wedding ng isang kamag-anak, nag-react ang fiancée ni Vic Sotto na si Pauleen Luna sa lu­ma­bas na balitang buntis umano siya kaya napaaga ang pagpu-propose sa kanya ng kanyang nobyo.

Nag-propose si Bossing kay Pauleen dahil ito na umano ang tamang panahon hindi dahil sa ibang dahilan tulad ng pagbubuntis.

Masayang-masayang umalis last week si Pauleen pa­tu­ngong L.A. dahil bago siya umalis ay pinabaunan siya ni Bossing ng isang three-karat solitaire diamond engagement ring na matagal-tagal na rin niyang inaasam na agad niyang pinost sa kanyang Instagram (IG) account matapos umamin ang kanyang fiancé sa kanilang engagement.

Sa pagbabalik ni Pauleen ay saka lamang niya siguro maise-share ang kanyang saloobin ngayong engaged na sila ni Vic. Dito rin malalaman kung totoong sa Amerika niya binili ang kanyang isusuot na wedding gown sa kasal nila ni Bossing.

Herbert kailangan ng tulong ni Kris?!

Marami ang nagsasabi na posibleng magkaroon ng part 2 ang short-lived romance nina Kris Aquino at QC Mayor na si Herbert “Bistek” Bau­tista sakaling magsimula nang mag-shooting ang dalawa ng kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Mr. & Mrs. Split under Star Cinema.

Na-disheartened man si Kris sa pagkakaudlot ng kanilang love affair ni Mayor Bistek, naibalik naman ang pagka­kaibigan ng dalawa kaya nabuo ang movie nila together.

Although narating ni Mayor Bistek ang kanyang tagumpay bilang isang po­li­tician sa sarili niyang pagsisikap, mas malaki ang maitutulong ni Kris sakaling naisin niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na halalan. May mga lumulutang kasing balita na tatakbo umano si Mayor Bistek sa pagka-senador sa 2016 elections under the administration party.

ACIRC

ALI KHATIBI

AMERIKA

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

ATILDE

DEREK

KANYANG

MAYOR BISTEK

PAULEEN

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with