MyREMIT nagbibigay-pugay sa makabagong bayani
MANILA, Philippines – Habang nagbibigay-pugay sa mga bayani ng bayan ng mga Filipino sa buong mundo sa araw ng National Hereo’s Day, binigyang parangal naman ng myREMIT, ang remittance arm ng ABS-CBN Global Ltd. Subsidiary EMoney Plus Inc. ang mga modern day heroes — mga overseas Filipinos sa pamamagitan ng isang video tribute na My Dad Left and I’m Thankful for It.
Ang video tribute, na bahagi ng 15th anniversary ng remittance brand ng TFC na myREMIT, ay kuwento ng isang amang nilisan ang pamilya para magtrabaho sa ibang bansa, upang mabigyan sila ng magandang buhay. Makikitang masama ang loob ng limang-taong gulang na anak sa pag-alis ng ama, at halos nagpupumiglas ito sa airport.
Sa titulo pa lang ng video ay makikitang sa huli, ay magpapasalamat pa ang bata sa ginawa ng ama dahil maiisip nitong ang ginawa ng ama labinlimang taon na ang nakaraan, ay para sa kinabukasan ng buong pamilya.
Ang video ay bahagi ng pagpapahalaga ng myREMIT sa mga customers nito. Para sa MyREMIT, ang bawat customer ay isang magulang, anak at kapatid na nagsasakripisyo para sa mga mahal sa buhay. Para sa myREMIT, ang bawat remittance ay isang pagpapakita ng pagpapahalaga ng mga OFW sa bawat miyembro ng pamilya.
Ang My Dad Left and I’m Thankful For It ay nilikha ng Marketing Communications team ng TFC na kabilang sina: Jay Santiago, Audie Avecilla Riola, Jocelyn Mendiola, Charles Bautista, Jed Segovia, Cristina Verano, Francis Lua, Rowena Lucero, Paz Valera, at Cayla Ursabia sa ilalim ng supervision ng Head of Marketing Services Pamela Castillo at Head of Creative Communications Management Roberto Labayen.
- Latest