^

PSN Showbiz

Anne lalayasan muna ang Showtime?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa pag-alis ni Anne Curtis ng It’s Showtime, kahit sabihing pansamantala lamang ay makakaapekto ng malaki sa programa.

Sa ngayon kasi ay kailangang-kailangan ng prog­rama ng tulong ng lahat ng hosts nito para malaba­nan ang paghataw ng kalaban nilang programa. With Anne out of the way, mas mahihirapan ang grupo sa kanilang laban. Kailangan ni Anne na pumunta ng US para sa follow-up naman ng kanyang quest for international recognition.

Pagku-concert ni Melai, kino-question

Wala namang tututol sa pagiging versatile ng PBB winner na si Melai Cantiveros. Bukod nga naman sa nakakapagpatawa ito ay nagpamalas din ng kaga­li­ngan nang manalong muli sa Your Face Sounds Familiar na kung saan ay tinalo niya sa pagali­ngan sa pag-i-impersonate ang ma­ra­ming celebrities  tulad nila Jay R, Nyoy Vo­lante, Jolina Magdangal, Edgar Allan Guzman at tatlo pang iba.

Bukod sa talagang may angking talent si Melai, maswerte ang PBB winner na mabigyan ng magaling na mga trainors at make-up artist. Pero ang pagkakaroon ng concert ay kakaibang bagay.

Pero ang pangyayaring ang CEO at pangulo ng ABS-CBN ang may ideya ng concert kung kaya hindi lamang ang marami ang naniniwala na baka may nakita talaga si Ms. Charo Santos-Concio na hindi nakikita ng marami kaya, inaasahan na lamang nila na mabigyan hustisya ni Melai ang pagtitiwala sa kanya ni Ms. Charo. Test lang naman siguro ang Melai Mo! May Concert na magaganap sa September 18 sa Teatrino sa Greenhills. Mabigo man si Melai na mapatunayan na wala siyang boses na pang-concert, may talento naman siyang magpasaya at magpatawa ng mga manonood na hindi nagkamali na pagkatiwalaan siya ng isang palabas na malayo sa kanyang talento pero, sino ang makapagsasabi?

OTWOL ng JaDine taob na taob ang mga kalaban

Sayang at ayaw na palang sundan ni Direk Antoinette Jadaone ang unang serye niya sa TV na On The Wings of Love na kasalukuyang namamayani ngayon at balitang tinatalo pa ang maraming nauna nang umereng teleserye sa Kapamilya Network.

Malaking oras niya siguro ang kinakain ng OTWOL at nawawalan siya ng panahon  para gumawa ng mga pelikula na siyang gustung-gusto niyang gawin. Sayang dahil nakikita ng manonood ang kilig na bihasang bihasa niyang gawin sa JaDine na muling nag­lalagay sa tambalan  sa mas mataas pang posisyon bilang loveteam.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNE CURTIS

ANTOINETTE JADAONE

BUKOD

EDGAR ALLAN GUZMAN

JAY R

JOLINA MAGDANGAL

MELAI

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with