Andi lalayas na sa poder ni Jaclyn, bibitbitin ang anak
Isang taon na ang nakalilipas mula nang namatay ang ama ni Andi Eigenmann na si Mark Gil. September 1, 2014 nang namayapa ang beteranong aktor pero ayon kay Andi ay hindi pa rin siya nakaka-move on hanggang ngayon. “I actually tweeted and said na ‘yung September 1, it will never be the same for me ever again. For other people it’s just an ordinary day pero ako, parang eye-opener siya no’ng last year. It really changed my life and the rest of my family’s life also. So as much as we’ve been coping well and we’ve been happy. I have my family and we’ve been supporting each other through everything, masakit pa rin. Totoo pala ‘yun na ‘pag nawalan ka ng mahal sa buhay, kahit na anong pagmu-move on ‘yung subukan mong gawin, there will always be a hole there,” paliwanag ni Andi.
Samantala, nakatakda na raw ang aktres na lumipat sa isang condominium unit na kanyang nabili. “Palipat na ako, sobrang masaya. Big girl na ako. May sarili na akong bahay,” nakangiting pahayag ng aktres.
Wala raw naging problema sa inang si Jaclyn Jose ang gagawing pagbukod ni Andi kasama ang anak na si Ellie. “Wala siyang say do’n. Surprise, ipapakita ko sa kanya kapag tapos na. Siyempre sarili ko na siya so ‘yung fun part do’n for her is seeing it na tapos na. Hindi pa nga niya nakikita,” pagtatapos ng aktres.
Matapos makabuntis, Michael todo ang pagtitipid
Isa si Michael Pangilinan sa walong contestants ng Your Face Sounds Familiar Season 2 na magsisimula sa September 12.
Bago pa man magsimula ang nasabing programa ay pumutok naman ang balitang nabuntis daw ni Michael ang dating kasintahan na isa ring baguhang artista.
Limang buwan na raw ngayon ang ipinagbubuntis ng babae. “Wala naman akong balak itago ang tungkol dito. Aaminin ko rin naman. Ang nahirapan lang ako is kung paano ko siya sasabihin noon sa manager (Jobert Sucaldito) ko at sa parents ko. Pero no’ng nalaman nila, alam kong medyo mahirap, pero tinanggap din naman nila agad,” kwento ni Michael.
Nakahanda raw harapin ng singer ang responsibilidad bilang isang ama kapag isinilang na ang anak. Para kay Michael ay mas nag-mature daw ang kanyang pag-iisip ngayon dahil sa nangyari.
“Haharapin ko naman ang lahat. Never ko ring naisip na ipalaglag ang bata. Mas nagkaroon ako ng focus kasi iniisip ko na ngayon na ‘yung mga ginagawa ko ay para sa magiging anak ko. Hindi na rin ako masyadong gumagastos ngayon. Nag-iipon na ako. ‘Yung sasakyan na gusto ko sanang bilhin, hindi ko na bibilhin. Erase na ‘yon,” pagbabahagi pa niya.
Kung sakaling lalaki ang magiging anak ay Ezequiel daw ang gustong ipangalan ni Michael dito.
- Latest