Luis hindi na nakahintay ng trabaho sa GMA!
In-assure ni Luis Alandy ang mga kausap na press people sa presscon ng My Fair Lady na hindi siya na-offend sa pagsulpot ni Brian Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe sa presscon ng rom-com series ng TV5, kung saan, isa siya sa leading man ni Jasmine Curtis-Smith.
Mas nagulat daw siya kesa na-offend at natuwa para kay Jasmine na nakita niyang nagulat sa pagdating ni Brian with matching bouquet of flowers. Narinig din niya nang aminin ni Brian na ina-admire nito si Jasmine at ang sabi na lang ni Luis, “kanya-kanyang diskarte ‘yan.”
Anyway, ginagampanan ni Luis ang role ni Benjie na isang environmentalist lawyer na kamukha ng ex-boyfriend ni Audrey (Jasmine) na nanloko rito. Challenge sa kanya na lumebel sa edad nina Jasmine at Vin Abrenica at ‘pag pinanood ang My Fair Lady simula sa September 14, 9:30 p.m. ay makikitang bagay din siyang maka-love triangle ng dalawa.
Ang nakarating sa amin, hindi alam ni Brian na presscon ni Jasmine ang pupuntahan niyang event at dahil walang na-offend sa co-stars ni Jasmine, palampasin na lang ang ginawa ni Brian.
Wala palang isyu sa paglabas ni Luis sa TV5 dahil nagpaalam sila ng manager niyang si Noel Ferrer sa GMA 7 at pinayagan lalo’t wala pa siyang bagong soap.
Derrick ipakikita ang kaluluwa sa Cosmo Bachelor Bash!
Handang-handa nang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash this Saturday si Derrick Monasterio at dahil sa kanyang paghahanda ay confident na itong hindi madi-disappoint ang kanyang fans pati ang non-fans sa makikita sa kanya. May six-pack abs ang Kapuso actor na pinaghirapan niyang ma-achieve sa matinding workout at clean and healthy eating.
Sabi ni Derrick, kung dati ay once a week lang siyang mag-workout, nang malamang kasali siya sa Cosmo Centerfolds at rarampa nga, ginawa niyang four times a week at after four months, ang ganda na ng pangangatawan nito. Ready na rin siyang magpa-sexy kung kinakailangan sa trabaho.
Aliw ang sagot nitong “kaluluwa ko,” kung ano ang ipasisilip niya sa Cosmo Bash. Pero hindi niya kailangang maghubad para magpasabog. Kahit daw naka-sando lang siya ay kaya niyang talbugan ang mga kasama sa pagrampa sa pamamagitan ng dance number ala-Magic Mike.
Si Derrick na yata ang sunod na ibi-build up ng GMA 7 dahil bukod sa primetime soap na inihahanda para sa kanya, gumagawa na rin ito ng album under GMA Records.
Samantala, nagulat din si Derrick kung saan nanggaling ang isyung papasok siya sa Kalyeserye at magiging karibal daw ni Alden Richards kay Yaya Dub (Maine Mendoza). Kahit wala pang offer but given a chance, gusto niya kahit i-bash siya ng AlDub fans.
Lani pasok din sa Etiquette for Mistresses
Ang version ni Lani Misalucha ng You Don’t Own Me ang theme song ng Star Cinema movie na Etiquette for Mistresses na bida sina Kris Aquino, Iza Calzado, Kim Chiu, Cheena Crab, at Claudine Barretto. Inilabas na ng Star Cinema ang video at marami agad ang may gustong mapanood ang pelikula.
Pero sa September 30 pa ang showing ng movie at naurong ang showing dahil nagkasakit si Kris. Tuluy-tuloy pa rin ang shooting ni director Chito Roño na sabi ni Kris, eight shooting days na lang ang natitira.
Si Kris din ang nagbalitang kasama sa Etiquette for Mistresses sina Helen Gamboa at Tirso Cruz III na parehong may special cameo appearance sa nabanggit na pelikula.
Tickets sa concert ni Glaiza nagkakaubusan na
Labas na at mabibili na ang tiket sa Dreams Never End concert sa Music Museum this October 3 ni Glaiza de Castro. Mabilis ang bentahan ng tiket at nabasa namin sa Instagram (IG) ni Glaiza ang reklamo ng kanyang fans na wala na silang mabiling tiket.
Gusto raw ng Music Museum na gawing two-night ang concert kaya tingnan natin kung mangyayari ito para na rin sa fans ni Glaiza na mas dumami after ng The Rich Man’s Daughter. Ini-expect naming sa gabi ng concert dadagsa ang fans ni Glaiza at ang Rastro fans nila ni Rhian Ramos.
- Latest