^

PSN Showbiz

All of me humahataw, JM binalaang umayos!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakapinanood na afternoon teleserye sa buong bansa ang pinakabagong ABS-CBN teleserye na All Of Me tampok ang nagbabalik na si JM De Guzman matapos itong makakuha ng national TV rating na 18.4%, base sa datos ng Kantar Media noong Lunes (Agosto 31).

Pasok din ang tinaguriang mystical serye sa ika-sampung puwesto sa listahan ng pinakapinapanood na programa sa buong bansa noong Agosto 31. Bumuhos din ang maraming tweets tungkol sa All Of Me gamit ang hash tag na #AllOfMeAngSimula na naging trending topic nationwide sa Twitter noong Lunes.

Maliban sa All Of Me, patuloy ring humahataw sa ratings ang ibang pang­hapon na programa ng ABS-CBN.

Tampok sa All Of Me sina JM De Guzman, Albert Martinez, Yen Santos, Aaron Villaflor, Neri Naig, Ana Capri, Micah Muñoz, Jordan Herrera, Sue Ann Ramirez, at Akira Morishita.

Pero totoo kayang nagkaka-problema ngayon sa taping ng All of Me dahil parati na namang late si JM?

Ang sabi-sabi, bumalik daw sa dating gawi ang actor kaya binalaan na ayusin ang trabaho or else tatanggalin agad ito pag hindi ito umayos.

vuukle comment

AARON VILLAFLOR

AGOSTO

AKIRA MORISHITA

ALBERT MARTINEZ

ALL OF ME

ANA CAPRI

ANG

DE GUZMAN

JORDAN HERRERA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with