GMA7 ratings pinahataw ng ‘AlDub’
MANILA, Philippines — Dahil sa init ng pagtanggap ng publiko sa pinakabagong love team sa telebisyon, umangat ang GMA Network sa ratings sa Urban Luzon at Mega Manila nitong Agosto, ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.
Sinabi ng GMA na nagtala sila ng 39.8 percent sa total day ratings sa Urban Luzon, habang nasa 32.2 percent ang ABS-CBN at 7.5 percent naman ang TV5.
Pumalo naman sa 42 percent ang ratings ng GMA sa Mega Manila, habang 28.4 percent at 7.9 percen naman ang nakuha ng ABS-CBN at TV5.
Ang noontime show na “Eat Bulaga” ang nangunguna sa lahat ng palabas ng GMA7 partikular sa segment na “Kalyeserye” na pinagbibidahan ni Alden Richards at Maine Mendoza.
Samantala, sa primetime naman bumibida ang ABS-CBN mula alas-6 ng gabi hanggang alas-12 ng madaling araw, base naman sa Kantar media.
Tumabo ang Kapamilya network ng 52 percent, malayong-malayo sa 29 percent ng GMA.
“The supremacy of the Kapamilya network for the month of August was bolstered by the launch of new teleseryes and the highly anticipated finales of primetime programs,” pahayag ng ABS-CBN.
- Latest