^

PSN Showbiz

Idolito Dela Cruz natupad na ang pangarap na magka-album

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang  singing champion ng April Boy Regino’s Umiiyak Ang Puso  sa Sang Linggo NAPO Sila  at  champion din sa singing contest ng April Boys sa Eat Bulaga na si Idolito Dela Cruz ay may sari­ling album na ngayon. Ito’y pinamagatang  Ngayong Nandito Ka Na… Idolito Dela Cruz. Limang original songs ang napaloob sa album at ang carrier single nito ay Ngayong Nandito Ka Na. Kasama rin sa  album ang Lumaban Ka, All The Time, Itaga Mo sa Bato, at Mundo ay Nagbago. Ito ay prodyus and distributed by DB Energy Music Co.

Nine years old siya nang mahilig sa musika. Mahilig din siyang mag-compose kaya apat sa kanta niya sa album ay siya rin ang sumulat. May pinaghu­hugutan daw siya sa paggawa ng kanta kaya naka­buo na siya ng almost 300 songs. ‘Yung apat na kanta na isinama niya sa album niya ay napapanahon daw at dapat mapakinggan ng netizens.

‘Yung  Ngayong Nandito Ka Na ay handog niya sa kanyang one and only love. Hindi pa raw sila ka­sal pero magdadalawang taon na silang mag-on.  Na­kaka-relate sila sa  kanta dahil nu’ng mga bata pa sila ay pinaghiwalay raw sila, may nag-abroad at hindi nila alam na sila rin ang magkakatuluyan. Hindi pa sila sure sa mga feelings nila  nu’ng araw dahil crush lang nila ang isa’t isa.

“Bata pa ako mahilig na ako music. Lahat ng bro­­thers and sisters ko ku­­makanta. Sobra rin ang in­fluence ng parents ko sa  pag­kanta ko,” bulalas pa ni Idolito.

Pero sa family nila, siya lang ‘yung nagseryoso dahil passion niya ang pagkanta samantalang ang mga kapatid niya ay nakahiligan lang.

Si Idolito ay mina-manage  ngayon nina Benjie Pe  Benito at Dennis  Dela Cruz.

Screen name lang ba niya ang Idolito?

“Totoong pangalan ko ito,” pakli niya.

Kilala ang pamilya nila sa Pampanga at idol ng mga kababayan nila.

“Actually, hindi naman talaga ako ang iniidolo ng mga taga- Pampanga kundi yung erpat ko (29 years na Lupon sa Barangay nila pero parang buong Pam­panga ang nangyari). Para siyang Robinhood. Sobra ‘yung pagtulong niya at ako ‘yung sidekick. Tapos tinatawag akong idol. Ako ‘yung laging inuutusan ni daddy at the same time lagi akong sumasali sa mga contest. Laging champion.

“’Yung time na ‘yun kasi nagpa-contest ang Sang Linggo NAPO Sila para sa kanta ni April Boy Regino, nanalo ako. Ang Eat Bulaga nagpa-contest din sina Vingo at Jimmy (April Boys), nag-champion din ako,” kuwento niya.

Pansamantalang  tumigil siya sa pagkanta nu’ng 2009 dahil namatay daw ang parents niya. Parang nawala raw lahat ang mga pinaghuhugutan niya  at inspirasyon.

Pero nu’ng second death anniversary ng daddy  niya naalala niya ‘yung sabi ng tatay niya na ituloy ang mga pangarap niya sa pagkanta. Alam daw kasi ng daddy niya ang kanyang determinasyon at passion sa pag-awit.

Ngayon ay naggi-gig daw siya sa Pampanga.

Nadiskubre  din siya nina Benjie at Dennis nu’ng mag-record siya ng kanta para sa themesong ng indie movie na Mga Batang Hamog. Dun siya nadiskubreng  gumawa ng album dahil may potensyal daw ito na maging recording artist. Fulfillment para kay Idolito na magkaroon ng sariling album.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APRIL BOY REGINO

APRIL BOYS

MGA

NBSP

NGAYONG NANDITO KA NA

NIYA

SHY

SIYA

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with