^

PSN Showbiz

Chiz at Heart walang pakialaman sa pulitika at showbiz!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Uy naispatan pala kamakailan ang mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista na ipinapas­yal ang kanilang kambal na anak sa isang mall sa Quezon City.

In fairness, kahit busy sa kani-kanilang mga career sa pulitika at showbiz, at least may panahon sina Chiz at Heart para makipag-bonding sa mga anak ng senador ‘pag weekends.

Ayon sa isang interview kay Chiz, nag-a-adjust pa rin siya sa schedule ng misis lalo na at busy ito ngayon sa taping ng teleserye nitong Beautiful Strangers.

“Ibang-iba ang buhay ng mga artista. Sikat, malaki ‘yung bayad, pero ‘yung buhay mahirap din. Monday, Wednesday and Friday ang taping niya para sa teleserye. Aalis siya ng bahay ng mga ala-5:30 ng umaga, matatapos ‘yung taping niya ng ala-una ng umaga ng susunod na araw,” sabi ng senador sa nasabing interview.

Eh bukod sa Beautiful Strangers, may mga ibang raket pa si Heart – modeling at may hobby pa na pagpipinta.

Buti na lang at hanggang next week na lang ang Startalk, though kasama naman daw si Heart sa papalit sa programa with AiAi delas Alas.

Paglilinaw ni Chiz, hindi nila pinanghihimasukan ni Heart ang kani-kanilang career sa pulitika at showbiz.

Ni hindi nga raw nababanggit ang pulitika at showbiz kung sila ay mag-uusap ng kanyang maybahay, ayon kay Chiz.

Kaya naman pala laging sinasabi ni Heart na wala siyang alam kung ano ba talagang posisyon ang kakandidatuhan ng kanyang mister sa 2016. At wala rin naman masabi ang senador sa halikan ni Heart at Rocco Nacino sa Beautiful Strangers.

Cristalle Belo magiging Mrs. Pitt na

Any moment ay magiging Mrs. Justin Pitt na ang unica hija ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle.

Engaged na si Cristalle sa Australian boyfriend niyang si Justin Pitt na isang hotel manager. Naganap ang engagement sa Maldives.

Ipinakita ni Cristalle sa kanyang Instagram and Facebook friends ang setting kung saan nag-propose ang boyfriend.

“How perfect is this setting for an engagement! I was late so I missed the sunset that Justin Pitt had originally planned but I caught the full moon.

“it’s off season here in Maldives so rain comes and goes. I’m so happy that God kept this day perfectly dry. A little shower of blessing but it stopped before I arrived! ?#?FutureMrsPitt,” sabi ng napaka-down to earth na anak ni Dra. Belo.

Narito naman ang reaction ni Dra. Belo sa engagement ni Cristalle : “As a mother I’ve always prayed that my children find the right partner @cristallebelo is blessed to have found @justinpitt77 because He honors and cherishes her like I always wanted for her future husband to. He’s smart kind believes in commitment and partnership and forever in marriage . Even God cooperated by giving them the most beautiful moon light . Here’s a picture right after she said yes . We were not allowed to be there but of course I figured out a way to steal a picture . Thanks Diboy”

Si Cristalle ang inaasahan ni Dra. Belo na papalit sa kanya sa pagpapatakbo ng Belo Medical Group.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BELO

BELO MEDICAL GROUP

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

CRISTALLE

CRISTALLE BELO

DRA

JUSTIN PITT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with