Heart ayaw makisawsaw sa trabaho ng mister, mas trip magpinta
MANILA, Philippines – Kakaiba talaga ang ganda at talent ng misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista dahil bukod sa pagiging in demand TV and print commercial model nito at pagiging singer-actress, ang isa pang lumutang na talent niya ay ang pagiging isang mahusay na painter na isa ngayon sa kanyang pinagkakaabalahang hobby.
Nakahiligan ni Heart ang pagpi-paint sa mga mamahaling branded bags na kanyang sinimulan sa kanyang mga collection of bags na sinundan ng mga bags ng kanyang mga kaibigan.
Ang dating hobby lamang ay tila magiging career na rin ni Heart dahil bukod sa nag-i-enjoy siya sa pagpi-paint ay kumikita siya rito ng malaki.
Proud siyempre kay Heart ang kanyang senador na mister na inaasahang magdideklara ng kanyang kandidatura sa pagka-bise president with Sen. Grace Poe for president.
As much as possible ay ayaw ni Heart makisawsaw sa pulitika at trabaho ng kanyang mister pero suportado niya ito sa anumang magiging deklarasyon nito isa sa mga araw na ito.
Kring-Kring sigurado nang papalitan ang mister
Mukhang shoo-in na ang pagtakbo ng Tacloban First Lady at councilor na si Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez sa pagka-mayor ng nasabing siyudad dahil ito ang hinihiling sa kanya ng kanilang mga constituent sa siyudad.
Last term na kasi ng mister ng singer-actress-politician na si Mayor Alfred Romualdez bilang mayor ng Tacloban kaya inaasahan ng Taclobanons na si Kring-Kring ang magpapatuloy sa magagandang proyektong sinimulan ng kanyang mister.
Nakita rin ng Taclobanons ang magandang tandem ng mag-asawa sa pagpapaunlad ng siyudad.
Kung tatakbo sa pagka-mayor ng Tacloban si Kring-Kring, hindi pa sigurado ang mister nito kung ano’ng posisyon ang kanyang aasintahin – kung siya’y tatakbo sa pagka-senador, babalik sa kongreso o tatakbo sa pagka-gobernador ng Leyte? Nariyan din ang posibilidad na bumalik siya sa private sector at harapin na lamang ang kanilang mga itinatag na negoso.
“Anything is possible,” ani Mayor Alfred na ayaw pa ring magsalita kung ipagpapatuloy niya ang kanyang pagiging isang public servant.
- Latest