^

PSN Showbiz

Aiko naiuwi na ang foreigner na manliligaw

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kabilang si Aiko Melendez sa teleseryeng The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Bukod sa nasabing soap opera ay abala rin si Aiko sa pelikulang Balatkayo. Kahit kabi-kabila ang ginagawang proyekto ay napababalitang may bagong manliligaw ngayon ang aktres. Mario Claudio ang pangalan ng foreigner suitor ni Aiko na nakabase sa Spain. “Actually I met Mario here in Manila pagbalik na pagbalik ko from London. Sinet-up kami ng friend namin dito. Nakabase siya sa Spain, pero in Cebu pabalik-balik siya,” pagtatapat ni Aiko.

“We are in the process of getting to know each other. But in terms of dating, hindi ko masabing exclusively dating, pero sa kanya, ako lang talaga ‘yung kinikita niya,” dagdag ng aktres.

Naipakilala na rin daw ni Aiko sa kanyang pamilya si Mario kamakailan lamang. “He makes some effort because he met my family already, very polite si Mario. Binigyan niya ng flowers ‘yung kapatid kong babae, ang mom ko and birthday noon ng daughter kong si Marthena. So he went there, kinausap niya ang mom ko. He said na his intentions are good sa akin,” nakangiting kuwento ni Aiko.

Pitong taon na ang nakalilipas mula nang hu­ling magkaroon ng kasintahan ang aktres at ngayon ay nakahanda na raw na muling umibig. “May nanliligaw sa akin na matinong lalaki na humarap sa pamilya ko at sinabing gusto kong makasama ‘yung anak n’yo kung bibigyan n’yo ako ng pagkakataon. At saka hindi lang ‘yung panandalian ha. Gusto niya kung maaari ako na ‘yung huli raw,” pagtatapos ng aktres.

Ejay proud sa sarili, mapapa-graduate na sa kolehiyo ang dalawang kapatid

Si Ejay Falcon ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya kaya pinagbubutihan ng aktor ang bawat trabahong kanyang ginagawa. “Ako ang nagpapaaral sa kapatid ko,” nakangiting bungad ni Ejay. 

Proud na proud ang binata ngayong makapagtatapos na ng pag-aaral ang dalawa sa kanyang mga kapatid. “Nakaka-proud, ang sarap ng feeling na makakatapos na ang mga kapatid ko. Parang ‘yun talaga ang premyo sa lahat ng paghihirap mo,” dagdag ni Ejay.

Samantala, bukod sa pagtulong sa pamilya ay may ginagawa ring charity event ang aktor taun-taon sa kanilang bayan sa Mindoro. “Nagpapa-basketball, nagpapaliga every December 26 to December 31, and every December 31, nando’n kami lahat sa basketball court at lahat ng endorsements ko, ‘yung mga sponsors, ‘yung mga gift sa akin, ibinibigay ko sa lahat ng mga tao. ‘Yung mga gieveaways ‘yung iba nagpapa-raffle. Naranasan ko noong bata ako dati, parang humi­hingi ako ng gift every Christmas, hindi ko nararamdaman dati. Nakikita ko ‘yung mga bata ngayon na wala ‘yung mga parents nila, walang maibigay. So ako ‘yung parang kahit simpleng pabango, simpleng sapatos, ibinibigay ko sa kanila. Ang sarap sa feeling na ginagawa ko siya for five years na,” pagbabahagi ni Ejay.

Reports from JAMES C. CANTOS

ACIRC

ACTUALLY I

AIKO

AIKO MELENDEZ

AKO

ANG

EJAY

KIM CHIU

MARIO

MGA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with