^

PSN Showbiz

Mga sale sa mall dapat ipagbawal tuwing Biyernes!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nadagdagan ang pagkaimbyerna ng madlang-bayan dahil nagdusa na naman sila sa EDSA noong Biyernes na epekto ng four days na payday sale ng isang mall at ang pagtitipun-tipon ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa EDSA Shrine bilang protesta nila laban kay Department of Justice Secretary Leila de Lima.

Affected ng kasumpa-sumpa na traffic situation sa EDSA ang lahat, pati na ang mga artista na nawindang dahil inabot sila ng apat na oras sa kalsada mula Makati hanggang Quezon City.

Kung ako ang tatanungin, dapat ipagbawal ang mga Friday sale ng mga mall. Gawin na lamang ito tuwing araw ng Linggo at holiday para hindi na makadagdag sa traffic jam problems sa EDSA.

Lahat ay makikinabang at magiging masaya dahil kahit papaano, tolerable ang traffic situation sa EDSA tuwing Linggo.

ABS-CBN cameraman kinuyog sa EDSA Shrine

Nakalulungkot ang balita na isang cameraman ng ABS-CBN ang binugbog ng mga tao sa pagtitipon ng INC members sa EDSA Shrine.

As of presstime, iniimbestigahan pa ang kaso kaya hindi pa matukoy kung mga mi­yembro ng INC o mga tao na happiness na ang gumawa ng gulo, ang tatlong lalaki na nanakit sa cameraman na si Melchor Pinlac.

Mali ang pambubugbog kay Pinlac dahil tinutupad lamang nito ang kanyang tungkulin. Wish ko lang, mahuli at maparusahan sa lalong madaling-panahon ang mga bumugbog kay Pinlac dahil maling-mali ang kanilang ginawa. Kung sinuman sila, inilagay nila sa alanganin na sitwasyon ang INC.

Pagpoprotesta ng INC tatagal ng apat na araw

Ang sabi sa mga news report, apat na araw na magtatagal ang kilos protesta ng INC sa EDSA Shrine kaya pinapayuhan ang lahat na iwasan ang lugar o maghanap ng ibang ruta para hindi sila ma­ging biktima ng higit pa sa overacting na traffic situation sa EDSA.

Binigyan ng permit ng Mandaluyong City government ang INC para makapagprotesta sila sa EDSA hanggang ngayon.

Globe pinahirapan ang subscribers noong Biyernes

Wondering ako kung may problema sa serbisyo ng Globe Telecom, Inc. sa Quezon City area noong Biyernes dahil may mga text message ako na hindi natanggap, pati ang ibang mga ka­kilala ko. Muntik na tuloy nilang ma-miss ang imbitasyon sa kanila para sa isang presscon kahapon.

Nahirapan din na magpadala ng mga email ang mga Globe Tattoo subscriber dahil napa­kabagal ng Internet service. ‘Yung iba naman, talagang hindi napakinabangan ang kanilang mga Globe wifi. Loyal subscriber ako ng Globe kaya may karapatan ako na magtanong dahil sa problema na nangyari noong Biyernes.

Kylie intinding-intindi ang nararamdaman nina Robin at Mariel

Hindi na ako nagtaka nang mabasa ko na nang­i­bang-bansa uli ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez matapos na makunan ito.

Kailangan ng dalawa ang new environment dahil masakit naman talaga ang mawalan ng anak, lalo na kung triplets.

Makatutulong ang pagbabakasyon nina Robin at Mariel sa ibang bansa para mabawasan ang sadness na nararamdaman nila.

Ang anak ni Robin na si Kylie Padilla ang nagkumpirma na malungkot na malungkot ang kanyang ama sa nangyari at siya rin ang nagkuwento tungkol sa out-of-the country trip ng mag-dyowa.

ACIRC

ANG

BIYERNES

DAHIL

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA

EDSA

GLOBE TATTOO

GLOBE TELECOM

MGA

QUEZON CITY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with