^

PSN Showbiz

Matteo at Shaina hindi nagpigil, bumigay sa Single/Single

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wow, marami nang eager mapanood ngayong gabi, August 29, 8:00 p.m., ang kauna-unahang cable mini-series, ang Single/Single na bida sina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao sa Cinema One.

Very modern and refreshing kasi ang tema kung saan tatalakayin ang lifestyle ng mga tinatawag na millennials o Generation Y.

Ito actually ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sina Matteo and Shaina. Pero nakita agad sa TV plugs na may mga eksenang topless ang actor at ramdam ang lakas ng kanilang chemistry.

Bukod sa nag-topless, may eksena pa na naka-boxer shorts ang bebe ni Sarah Geronimo.

Kaya nga kilig-kiligan ang actress. “Naka-boxer shorts lang po kasi siya eh, buti na lang magkaibigan po kami,” say niya (Shaina) sa character niyang si Joee sa Single/Single na obvious na kinikilig.

Pero may assurance naman ang actress na walang ikaseselos si Sarah kahit na nga may ilang daring scenes sila ni Matteo. “Wala naman pong dapat ipagselos si Sarah, work is work. Sa title lang po nanggaling siguro ‘yung pagiging single ni Matteo, but we know naman that he is not in real life.” 

So may tikiman ba o tukaan sila ni Matteo kasi daring eh?

“Kailangan po ninyong mapanood kung matitikman ko! Pero natikman ko ‘yung abs niya. Lagi po niyang ipinapakita! Ha! Ha! Ha!” paniniguro ni Shaina.

So certified single ba si Shaina? “Yes po,” maikling sagot niya.

Sa part naman ni Matteo, sinabi niyang super generous ang actress dahil lagi itong nagsi-share ng mga healthy food sa taping. “She’s very generous too with her feelings. With her emotions,” paniniguro naman ng actor.

Single/Single is a co-production venture between The Philippine STAR and Cinema One. Idinirek ito ng award-winning indie filmmaker na si Pepe Diokno, with Lilit Reyes as writer and Bianca Balbuena as producer

Ayon kay Direk Pepe hindi lang basta may matutuhan ang mga manonood nito, kundi maaaliw sila at makaka-relate sa character nina Joee (Shaina) and Joey (Matteo), dalawang single na nag-share sa isang apartment for practical reasons and tries to answer the question, “when strangers have no choice but to share the rent, will it be a disaster or a happy ever after?”

Ayon sa ilang nakapanood na sa ginanap na preview, medyo daring, naughty pero masaya at swak para sa mga young adult.

 “Hindi kami limitado in terms of ‘yung kailangan gawin, so nu’ng pagkapasok pa lang namin sa project na ‘to, sabi sa amin nila Ronald (Arguelles, head of Cinema One), you can talk about sex, about relationships, whatever you want,” says Direk Pepe. “Napaka-free namin dito, pwede kami mag-English, pwede kami mag-Taglish, so in terms of content, ‘yung freedom, mas malawak,” dagdag ni Direk Pepe.

Sa kabilang banda sinabi ni The Philippine STAR group SVP (Senior Vice President) for sales and marketing Lucien Dy Tioco, “The Philippine Star advocacy is financial security, so every year we do something different.  So it’s best to engage audience by story-telling. With Cinema One, we get to share the story, and they were very supportive from the start.”

Playing Matteo’s mom is veteran actress  Cherie Gil together with Cinema One Originals best actress Anna Luna, and theatre actor Brian Sy in supporting roles. 

Kaya watch na ngayong gabi,  August 29 (Saturday), 8PM on Cinema One. New episodes will air every Saturday with replay schedules on Wednesday at 8:30 PM and Sundays at 10PM.

Roman isinisingit ang paggawa ng baby sa kabi-kabilang kampanya sa edukasyon

Sana ay tularan ng mga bulakbol na kongresista si Pasig Representative Roman Romulo na masipag. Nakukunsumi na kasi si Buhay Representative Lito Atienza sa mga kongresista na hindi nag-aattend ng session kaya naghain siya ng panukala na dapat magkaroon ng live coverage ang kanilang session para madiskubre kung sino ang natutulog at wala sa kanilang puwesto habang tuloy naman ang suweldo. Agad naman itong sinang-ayunan ni House Speaker Sonny Belmonte na nagpa-planong i-publish ang mga pangalan ng mga laging present para nga naman makonsensiya ang mga bulakbol na inihalal ng taong-bayan.

Lately raw kasi ay walang quorum kaya laging hindi natutuloy ang session. ‘Di raw nagpapakita ang karamihan sa mga kongresista.

Anyway, back to Rep. Romulo, may bagong online video siya na inilunsad kamakailan. Seryoso ang mister ni Shalani Soledad bilang Chairperson of the House Committee on Higher and Technical Education sa kanyang kampanya na magkaroon ng reporma sa ating kasalukuyang education system.

Ipinapakita ang lighter side ni Cong. Roman, representing himself as Mr. R.

“In the said video, it shows the lighter side of Roman, presenting himself who aims to spread word that hope is still possible for our poor yet deserving students qualified for the Iskolar ng Bayan program, na siya ang author.” sey ni Ms. Mons Romulo, sister ni Roman.

Pahayag naman ni Cong. Roman “Sa pamamagitan po ng video na ito, nais ko po magkaroon ng kaalaman ang bawat mamamayan na may ganito na pong programa ang ating gobyerno. Sana po makarating po ang mensahe sa lahat na tunay na may pag-asang makaangat sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon kung lahat tayo ay magsisikap.”

 Said scholarships provided under this program not only grants automatic admissions to any state college or university within the region but more importantly, free tuition and other school fees kaya ang bongga.

“Hindi po ito ang una at huling pagkakataon na makikita nyo in action si Mr. R, dahil paparating na po ang ating UniFAST law na naglalayong palawakin ang nasimulan ng Iskolar ng Bayan Law sa pamamagitan ng pagbigay ng mas maraming scholarships, grants-in-aid and student loans,” sabi ng mister ni Shalani.

Ito ay kahit abala rin silang mag-asawa na makabuo ng baby. Inip na inip na raw kasi si Shalani na  magkaroon sila ng supling.      

ACIRC

ALIGN

ANG

CINEMA ONE

DIREK PEPE

LEFT

MATTEO

MGA

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with