^

PSN Showbiz

Alex hindi na nami-miss si Toni, ayaw pumatol sa bintang na malas sa ASAP

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Adjusted na adjusted na si Alex Gonzaga sa pag-aasawa ng kanyang Ate Toni Gonzaga. Ayon kay Alex, parati naman silang nag-uusap ng kanyang ate sa Facetime. Meron din pagkakataon na doon mismo sa bahay ng kanyang ate siya natutulog. “Pag nasa ABS-CBN naman kami tinatawagan niya ako na puntahan ko siya. Mommy ko rin natutulog sa room ko, so ok na ok na ako,” sabi ni Alex kahapon sa presscon ng I Heart Kuryente Kid with EJ Falcon as Kuryente Kid.

Sa nasabing presscon ay sinagot na rin ni Alex ang bintang na siya ang rason kung bakit bumaba ang rating ng ASAP. Corny daw siya at sobrang lakas ng boses kaya maraming naiirita.

Paliwanag ni Alex, hindi naman siya ang may gusto na gawin ‘yun. 

“Hindi naman kami magpapakabida. Kasi kung hindi rin naman kami kailangan sa show, aalisin din naman kami. So far, andito pa naman ako sa ASAP, so kung ilan lang ‘yung ibibigay nila sa akin, kung ilang gaps ang ibibigay nila sa akin, or kung may segment silang ibibigay, siyempre, gagawin mo lang.

“Hindi ko rin naman sila masisi dahil siyempre kung ano ‘yung kinalakihan nila sa ASAP, siyempre, ‘yun ang hinahanap nila. Pero of course, there’s always room for improvements,” katuwiran naman ni Alex sa mga nang-uurirat sa kanya.

Ayon sa actress, hindi naman siya ganun ka-powerful para baguhin ang ASAP at kailangang siya talaga ang sisihin.

“Kasi as a fan, isipin mo na lang ‘yung nararamdaman nila, and kung papatulan mo naman, parang. . .’yun na lang, isipin mo na lang na as a fan, nagsasalita sila,” katuwiran pa niya.

At any rate, magsisimulang mapanood ang Wansapanataym Present I Heart Kuryente Kid starting August 30. Isang reporter ang gagampanan niya na naghahanap kay Kuryente Kid (EJ Falcon). Dinirek ito ni Andoy Ranay.

Ejay hindi kinalilimutan ang mga kababayan pag Pasko

Emosyonal naman si Ejay kahapon. Relate na relate siya sa character niyang si Kuryente Kid.

Kaya naman natanong siya kung ano yung mako-consider niyang proud na feeling hero siya. “Nung tulungan ko ang isang cameraman namin na may Amyotrophic lateral sclerosis (ALS). Sinagot ko lahat ng gastos niya,” pag-alala ng actor.

Mangiyak-ngiyak din siya nang ikuwento ang ginagawa niyang pagpapaliga sa kanyang pinagmulang probinsiya, ang Mindoro. Tuwing December 26 at December 31 daw, sinisiguro niyang nabibig­yan niya ng kasiyahan ang kanyang mga kababayan. “Naalala ko nung bata ako na wala kaming sapatos, o pabango. Kaya ngayon, ‘yung mga binibigay ng mga sponsor ko, dini-distribute ko sa kanila,” pag-aalala ni Ejay.

Kaya naman kahit may offer na show sa nasabing petsa, hindi niya talaga tinatanggap.

Anyway, excited na excited na si Ejay sa gaganaping Star Magic Ball dahil finally may ka-date siya, si Ellen Adarna na kapartner niya sa Pasion de Amor.

Pero klinaro niya naman na hindi pa sila ni Ellen. Nasa getting to know pa raw sila pero masaya sila pag magkasama.

“Sabi ko nga, parang gumwapo ako ng 10 times du’n sa pangyayaring ‘yun.

 “Masaya kasi kumportable naman ako sa kanya, kumportable kami pareho sa isa’t isa and masaya kami kapag magkasama.

“Ako kasi, five years na akong uma-attend and parang sa five years na ‘yun, apat na beses akong um-attend ng walang date and ito ‘yung parang a-attend ako na finally, may kasama naman ako. And thank you kay Ellen kasi napapayag ko siya,” pagkukuwento pa ni Kuryente Kid.

Pambata raw ang kuwento ng Wansa at ibang-iba ito sa ginagawa niya sa Pasion de Amor na tinatawag nilang hubad serye.

ACIRC

AKO

ALEX

ANG

EJAY

HINDI

KURYENTE KID

NAMAN

NIYA

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with