Kasikatan ng AlDub parang Marimar noon ni Thalia
Sa takbo ng kalyeserye at pag-iibigan sa ere nina AlDub, mukhang malayo pa ang itatakbo ng istorya.
Parang nagbalik-alaala sa amin ang kasikatan noong dekada `90 ng Mexicanovela na Marimar na pinagbidahan ni Thalia na nag-set ng panibagong trend sa TV viewing ng mga Pinoy.
Ultimo mga taxi driver noon ay humihinto at naghahanap ng mga lugar na may telebisyon na kanilang mapapanooran ng Marimar. Ganoon katindi ang hatid ng Marimar noon na animo’y humihinto ang lahat para lamang mapanood ang nasabing hit TV series. Ito bale ang kauna-unahang foreign TV series na nilapatan ng Tagalog dubbing na naging malakit hit sa Pilipinas.
In all fairness, ito’y ideya ng dating pangulo ng RPN-9, ang dating congressman, matinee idol at musician na si Jose Mari Gonzales, ama ng singer-actress-politician at First lady ng Tacloban City na si Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez.
Ngayon ay usung-uso na ang mga foreign TV series (laluna ang mga Koreanovela) and even films na nilalapatan ng Tagalog dub at ipinapalabas sa Pilipinas.
Kakasimula pa lang ng bagong version ng MariMar sa GMA 7 na pinagbibidahan naman ni dating Miss World Megan Young.
ASAP hindi dapat makampante
Twenty years nang namamayagpag ang musical-variety show ng ABS-CBN, ang ASAP 20 na nagkaroon ng bonggang 20th anniversary presentation sa MOA early this year. Pero dumating din ang panahon na kailangang may mga pagbabago o ibang sahog sa programa para mapanatili nito ang viewership na kanilang ini-expect.
Wala kaming masasabi sa lingguhang mga bonggang production numbers mula sa napakaraming stars ng Kapamilya Network pero dumarating din ang panahon na nakakasawa na ring panoorin ang halos routinary acts na kanilang ipinakikita linggu-linggo.
Sa tatlong linggong nasa ere ang Sunday PinaSaya, hindi ito puwedeng balewalain ng mga tao behind ASAP. They need to do something para maibalik nila ang interest ng mga manonood.
Kumbaga sa ulam, gusto ng televiewers ng bagong putahe na may kakaibang sahog for a change kaya marahil nag-click ang Sunday PinaSaya na kinabibilangan ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas, Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ang bagong GMA heartthrob na si Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Pineda at ilang Kapuso talents.
Ganunpaman, hindi rin kailangang mag-relax ang Sunday PinaSaya dahil 20 years nang nasa ere ang kanilang katapat at magiging malaking hamon sa kanila kung mapapantayan man lamang nila ang staying power nito sa ere.
- Latest