^

PSN Showbiz

Kris naimbudo raw sa alok na kumandidatong bise-presidente

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May kinalaman kaya ang pangu­ngumbinsi kay Kris Aquino na kumandidatong bise presidente sa pagtaas ng kanyang presyon the other night?

Umuusok daw kasi ang ilong ng Queen of All Media nang makarating sa kanya ang balitang kinukuha raw siyang posibleng vice president ng administration candidate na si Sec. Mar Roxas.

Galit daw ang presidential sister and popular TV host dahil nagagamit pa ang pangalan niya sa pulitika samantalang tahimik siyang nagta­trabaho at ni minsan ay hindi sumasawsaw sa usapin ng 2016 presidential election.

Si Kris kasi ay pang-apat na sa mga lady “vice presidentiables” na “nililigawan” ni Sec. Mar para maging ka-tandem sa halalan. Si Sec. Mar ay ang “anointed one” ng kuya ni Kristeta na si President Noynoy Aquino na gusto niyang pumalit kapag natapos na ang term nito sa susunod na taon.

Pang-fourth choice si Kris. Una na kasing niligawan ni Sec. Mar si Senator Grace Poe na maging VP niya, sumunod naman si Sorsogon Congresswoman Leni Robredo at pangatlo si Batangas Gov. Vilma Santos. Mukhang lumalabas na “binasted” ng tatlo si Mar.

Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung sino ang magi­ging ka-ticket ni Sec. Mar sa eleksyon.

Anyway, isinugod nga sa hospital si Kris dahil tumaas ang presyon – umabot sa 200/110 dahil sa sobrang pagod.

Nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo si Kris kaya nagdesisyon ang mga kapatid niyang dalhin na siya sa hospital. “When I got home at 6:30 p.m. and when my blood pressure was taken it was 150/100. My sisters insisted I go to the ER because my symptoms were alar­ming. At the ER my BP was 200/110. Just a bit higher could have caused a stroke.”

Pinayuhan siya ng mga doctor na magpahinga na ayon kay Kris (sa kanyang Instagram account) ay susundin na niya. “I solemnly promise to follow all their instructions, take my medication and I will never again abuse my body because I was a slave to my work. My goal now is to achieve a healthy work and life balance.”

At kahit naman may sakit ang presidential sister, ibinalita niya sa kanyang IG account ang pangako sa kanya ng Kuya PNoy niya tungkol sa mainit na pinag-uusapang pagbubukas ng padala ng mga OFW sa bansa.

“PS PNoy said: “Kristina, yung sa Customs they’ll give a thorough explanation and demonstration of the X-ray machines to be used on Wednesday.’ I hope that I remembered his message accurately and I pray for a peaceful resolution fo all concerned. Bye for now IG Friends.”

Walang pahinga ang TV host actress dahil tuluy-tuloy ang shooting nila ng pelikula nilang Etiquette for Mistresses na may target playdate na sa September.

Fans ni Sarah na nag-poprotesta ipinakita ang mga pinakyaw nilang sim card

Madadatung pala ang fans ni Sarah Geronimo. Imagine, kahun-kahon palang sim cards ang pinakyaw nila para bumoto sa dalawang pambato ng Team Sarah noong Linggo ng gabi kaya ang sama-sama ng loob nila na hindi man lang nakapasok sina Kyle Echarri at Zephanie Dimaranan sa Final 4 ng The Voice Kids.

Ipinakita ng ilang fans ang bundle-bundle na sim card (sa Twitter) na pinakyaw nila bilang ebidensiya na hindi sila nagpabaya sa pambato ni Sarah. Kaya hanggang kahapon, trending pa rin ang hashtag na JusticeForTeamSarah.    

ACIRC

ANG

BATANGAS GOV

KRIS AQUINO

KYLE ECHARRI

MAR ROXAS

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

QUEEN OF ALL MEDIA

SARAH GERONIMO

SENATOR GRACE POE

SI KRIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with