Maraming artista todo ang tili kay Ariana Grande
SEEN: Foul ang “flop” na tag kay Alex Gonzaga ng social media users dahil siya ang sinisisi buhat nang gayahin ng ASAP20 ang format ng Sunday PinaSaya.
SCENE: Sinagot ni Martin Nievera ang sariling tanong na “What has happened to the noon time shows on Sunday ????: Everyone relax pls! Asap has been there for 20 years. There is always room for experiment & competition. Let the games begin. Fear not all!”
SEEN: Sa ngalan ng pag-ibig, si Dennis Trillo ang nagsuot ng cat ears hairband nang panoorin nila ni Jennylyn Mercado ang concert ni Ariana Grande sa Mall of Asia Arena noong Linggo.
SCENE: Ang thank you message ni Ariana Grande sa mga nanood ng kanyang concert sa MOA Arena: “OMG Manila thank u so much. what a thrilling night! I wanted to jump into the crowd & squeeze all of your lil faces. mahal kita. I love u.”
SEEN: Spotted sa Ariana Grande concert sina Toni at Alex Gonzaga, Paul Soriano, Kathryn Bernardo, Lovi Poe at ang ex-boyfriend nito na si Ronald Singson, Enrique Gil, Kim Chiu, Gwen Zamora, Jeremy Marquez, Liza Soberano, Hayden Kho, Jr., Darren Espanto, Julius, at Christine Babao, Carmina Villarroel et al.
SCENE: Tama lang na maligwak sa grand finals ng The Voice Kids Season 2 si Kyle Echarri dahil madalas nao-off-key ang kanyang boses at mas papasa siya na artista.
SEEN: Marami ang lumalapit kay Batangas Governor Vilma Santos- Recto at humihiling na i-endorso niya ang kanilang kandidatura sa pagka-gobernador ng nasabing lalawigan. Huling termino na ni Recto at tatakbo na gobernador ng Batangas sa eleksyon sa 2016 ang kanyang bise-gobernador.
SCENE: Malaki ang tsansa na maging blockbuster ang The PreNup kung maipo-promote ito nang mabuti dahil sa promising trailer ng romantic comedy movie nina Jennylyn Mercado at Sam Milby.
- Latest