^

PSN Showbiz

Fans nina Daniel at Kathryn nananawagan ng 3-4 million tweets para talunin ang AlDub fans

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Umabot na sa Twitter ang labanan ng iba’t ibang grupo ng fans ng mga loveteam para ipakita ang suporta nila sa kanilang paborito kung sino sa mga ito ang totoong number one ngayon.

Itsa-challenge ng KathNiel fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang 2.5-M tweets ng Aldub fans nina Alden Richards at Yaya Dub sa last Saturday’s episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga. Ito ang highest tweet na nakuha ng local celebrities so far at ang kaibahan, pati worldwide nag-trending din.

Ang 2.5-M tweets ang gustong tapatan at taasan ng KathNiel fans this Monday para sa first screen kiss nina Daniel at Kathryn sa Pangako Sa’Yo. Nana­nawagan ang KathNiel fans sa kapwa nila fans na big­yan ng 3 to 4-M tweets ang episode at highest rating pa dahil matagal nila itong hinintay.

Ito ngayon ang aaba­ngan ng ibang fandom at kung maaabot ng KathNiel fans ang target number of tweets, siguradong tataasan naman ng ibang grupo ng fans ang number of tweets nila, kaya masaya ito!

Lauren ingat na ingat guluhin ang buhok ng kanyang ate

Matutuwa nito si Lauren Young dahil isa sa mga pinaghandaan ni Megan Young sa MariMar ay ang mga eksena nilang magkapatid. Kontrabida ni Megan si Lauren at nabanggit ng una na kung intense itong magkontrabida kay Louise delos Reyes, mas lalo na sa kanya dahil kampante ito’t magkapatid nga sila.

Ang hindi alam ni Megan, hirap mag-concentrate noong una si Lauren sa mga eksena nila dahil sa kanyang hair extension. Kailangang pag-ingatan ni Lauren na hindi matanggal ang hair extension ni Megan ‘pag sinasabunutan niya dahil mahal ‘yun at mahirap ikabit.

Pero bumilib si Lauren kay Megan dahil kahit ilang beses siyang sinampal ni Jaclyn Jose, hindi nagreklamo at game for more sampal. Ayaw pa naman ni Jaclyn at ni direk Dominic Zapata ng pini-fake ang mga eksena.

First time makatrabaho ni Lauren sina direk Dom at Tom at challenge ito sa kanya, pero dahil mahusay na aktres, nagagawa niyo ang gusto ng director. Tiyak na kamumuhian siya ng viewers ‘pag nagsimula na si Antonia (Lauren) na agawin si Sergio (Tom Rodriguez) kay MariMar.

Direk Gino, mali ng pagkakakilala kay Derek

Pinasalamatan ni director Gino Santos ang nakapanood ng trailer ng Ex with Benefits at nagustuhan nila ito. Malaking bagay ito sa director dahil first mainstream movie niya ang nasabing pelikula at malayo sa klase ng mga ginagawa niya dati.

Dream come true at overwhelming kay direk Gino ang magdirek ng Ex with Benefits at nagulat pa siya dahil si Derek Ramsay ang kanyang bida. Natakot din siya na baka i-bully ni Derek, pero kabaligtaran ang nangyari dahil sabi nito “sobrang fun at collaborative” ng aktor at hindi umarteng big star.

Sobrang na-challenge at medyo nahirapan si direk Gino na gawin ang movie dahil iba sa ginagawa niya dati at kinailangan ang big time adjustment on his part. Pero dahil sa positive feedback kasama ang feedback ng kanyang cast, siguradong gugustuhin pa nitong magdirek ng hindi indie films.

Showing sa September 2, ang Ex with Bene­fits ng Star Cinema at Viva Films na kasama sa cast sina Tirso Cruz III, Rayver Cruz, Kitkat, Juan Rodrigo, at Carmi Martin.

Mikael idinaan sa tawa ang ‘banta’ ng fan ni Megan

Natawa kami sa LOL (Laugh Out Loud) reaction ni Mikael Daez sa follower niya sa Instagram (IG) na nag-post ng “Umayos ka Dean (karakter ni Mikael sa My Faithful Husband) nanonood si Mari Mar (Megan Young).” Ito ‘yung eksenang may love scene sina Mikael at Jennylyn Mercado and obviously, ang fans ang nag-react.

May nag-request pa kay Mikael na i-promote niya ang MariMar nina Megan Young at Tom Rodriguez, pero so far ay hindi pa niya ito ginagawa.

Maraming maiinit na eksena sina Megan at Tom sa MariMar, tingnan nga natin kung talagang hindi magseselos si Mikael pati na rin si Carla Abellana. Ngayon pa lang, panay na ang holding hands nina Megan at Tom kahit off-camera.

ACIRC

ANG

DAHIL

FANS

ITO

LAUREN

MEGAN

MEGAN YOUNG

MIKAEL

NBSP

TOM RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with