^

PSN Showbiz

Dahil sa gadgets guwapong male personality parang magician sa kama kahit maliit ang sandata!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kadaldalan ang isang magandang female personality. Wala siyang itinatagong kuwento lalo na kapag nagkakasayahan na silang magkakaibigan at nasususian na ang kanyang dila.

Lahat-lahat ay ikinukuwento niya. Pati ang dapat sana’y pangkanya lang at pangpribadong kuwento tungkol sa kanyang pakikipagniig sa kanyang mga nakakarelasyon ay ibinabahagi ng female personality sa kanyang mga kaibigan.

Sabi ng isang madalas niyang makasama, “Kaya parang hubo’t hubad na ang mga ex niya sa paningin ko. Ang dami-dami ko kasing alam na kuwento tungkol sa kanila.”

Ikinukuwento niya ang hindi kalakihang sandata ng isang guwapong aktor. Naturingan daw itong matangkad, pero kabaligtaran ‘yun ng armas ng aktor, dahil parang gusto niyang kumanta ng Hahanapin Ko kapag silang dalawa na lang ang magkasama sa kuwarto.

Pero pinupuri niya naman ang isang guwapo at sikat na male personality. Hindi raw ito katangkaran kaya bigay na bigay nang hindi rin masyadong pinalad ang lalaking personalidad sa pagkakaroon ng malaking sandata!

Ayon sa aming source ay ikinukuwento ng magandang aktres na napakagaling kuno ng hindi katangkarang aktor sa pagpapaligaya sa kanyang kapareha.

Komento ng aming impormante, “Para raw ka­sing magician si ____(pangalan ng sikat at guwapong aktor), marami siyang props, kabisado na raw ng guy kung saan at kailan niya gagamitin ang mga dala-dala niyang gadgets.

“Para raw siyang lumilipad sa alapaap, maga­ling daw talaga ang male personality sa pagkiliti sa maseselang parts ng body ng girl. May mga ginagamit siyang props at kung anu-anong juice habang bumibiyahe sila sa langit.

“Nahihiya tuloy ako kapag nakikita ko ang male personality. Para kasing nai-imagine ko ang kuwento tungkol sa kanya habang nagpe-perform siya in bed.

“Siguradong ganu’n din ang ginagawa ngayon ng male personality sa wife niya. Kaya naman pala mahal na mahal siya ng misis niya,” natatawa pang kuwento ng aming source.

Ubos!

Mayora Tates ‘isinalba’ si Mayor Bistek sa mga anak

Nu’ng nakaraang birthday party ng child actor na si Harvey Bautista ay maraming bisita ang masayang-masaya dahil sa magandang pagtrato sa isa’t isa ng kanyang mga magulang na sina Mayor Herbert Bautista at Mayora Tates Gana.

Nakasanayan na naming tawaging Mayora si Tates dahil nagsasalita naman ang katotohanan na mula sa unang hakbang ng mga pangarap-pampulitika ni Mayor Herbert ay siya ang malakas na hangin sa ilalim ng mga pakpak ng aktor-pulitiko.

Kahit marami pang ibang nauugnay sa pa­ngalan ng mayor ng Kyu­si ay si Mayora Tates, para sa amin, ang tunay na dapat tawaging Ma­yora ng buhay ni Mayor Bistek.

Maayos ang kanilang relasyon, sa kabila ng mga naganap ay magkaibigan pa rin silang dalawa, responsableng ama ng kanilang mga anak na sina Athena at Harvey si Mayor Herbert.

Sa rami na ng karanasan ni Mayora Tates sa mundo ng pulitika ay kayang-kaya na niyang kumandidato. Nakakapagpanalo nga siya ng iba, kaya ang sarili pa kaya niya ang hindi magtatagumpay sa kung anumang posisyong gusto niyang takbuhan sa Kyusi, nakatatak na sa puso ng mga nasasakupan ni Mayor Herbert ang magandang serbisyo at kabutihan ng puso ni Mayora Tates Gana.

At kung responsableng ama ang mayor ng Kyusi ay doble nu’n ang pagiging mabuti at responsableng ina ni Mayora Tates. Nu’ng mga panahong binabagyo sila ng emosyonal na problema dahil sa pagpasok sa eksena ng isang babaeng personalidad ay kinayang hawakan ni Mayora Tates ang sitwasyon.

Hindi rin niya gusto ang mga naglalabasang kuwento, pero sinarili lang niya ang sakit, mas ina­lagaan niya ang emosyon nina Athena at Harvey. Gusto niyang manatili ang respeto ng magkapatid sa kanilang ama.

At ganu’n nga ang nangyari.

ACIRC

ANG

HAHANAPIN KO

MAYOR

MAYOR HERBERT

MAYORA

MAYORA TATES

MGA

NIYA

STRONG

TATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with